{Planning}

86 35 1
                                    

"Kaibigan ba ni Isiah yung bastos na yun?" Reklamo ko kay Angel.

Nandito kami ngayon sa bahay nila Angel. Dito muna ako umuwi dahil baka pagalitan ako ng amo ko. Hindi naman alam ng amo ko na nandito ako malapit lang sa bahay nila.

"Ewan ko! Pero tinawag kanina ni Isiah ng tol yung bastos eh." Sabi naman ni Angel. "Oh! Eto damit, magbihis ka muna."

Sabay abot naman sakin ni Angel ng damit. Ang gaganda talaga ng damit nitong babae to! Palibhasa, mayaman.

"Pwede akin nalang to?" Pabirong sabi ko naman kay Angel. Joke lang talaga to pero pag sumang-ayon siya sa akin nalang to.

"Bawal! Bawal." Sabay kuha agad sa akin ni Angel ng damit.

"Bakit naman?" Takang tanong ko naman.

"Isa itong espesyal na gamit para sa akin." Sabay kuha naman niya ng panibagong damit. Bakit niya pa iipahiram sa akin yun kung espesyal pala yun?

"Eh bakit mo ipapahiram sa akin yan?" Takang tanong ko nanaman.

"Nagkamali lang ako ng pagkuha." Sabi naman nitong si Angel. Ano ba to? Malabo na ang mata! Maaga pa naman ah?

"Oh eto! Ayan, kung gusto mo." Dagdag pa ni Angel. Sige, kanya na yan -_- Hindi ko na kailangan ng ganyang damit.

"Manaaaaaaang!" Sigaw ni Angel. Jusko! Walang bukas?

Maya-maya naman ay dumating na si Manang at papakuhain ni Angel ng. "Manang, pahingi po ng meryende."

"Wait lang hija." Sabi naman ni Manang sabay baba na ulit.

Grabe tong babae na to! May sarili naman siyang paa ba't kailangan niya pang mag-utos. Hindi ba siya naaawa sa matanda? May pagkabuang din kasi tong si Angel eh.

Pumunta naman ako sa CR para magpalit na. Syempre, alangan na hayaan ko lang ganito ang itsura ko no? Ang lagkit lagkit ko na nga eh!

"Okay na ba?" Tanong ko kay Angel pagkalabas ko ng CR.

Sabi ni Angel bawat kwarto raw dito ay may CR. Why so rich Angel? Sana naging kapatid nalang kita pero malabong mangyari yun. Okay na ako sa turingan nating parang magkapatid.

"Okay na." Sabay inom naman ng juice ni Angel. Andiyan na agad ang meryenda na pinakuha niya? Ang bilis ah!

"Alam mo-" Sabi ni Angel pero hindi ko na siya pinatuloy sa sasabihin niya. "Hindi ko pa alam eh."

"Putcha ragis naman oh! Hindi ako nakikipag biruan." Galit na sabi ni Angel. Ano bang sasabihin nito at ganyan siya kung magalit?

"Oh ano ba yun?" Na curious na tanong ko. Hahahaha! Natakot kasi ako sa boses niya kanina.

"Try mo kayang mag-ayos no? Sabi nito. "Para naman gumanda ka."

"Pahingi muna ako ng sandwich." Sabi ko sabay kuha ng sandwich at kain.

Maya-maya naman ay nagsalita na ako. "Ano bang klaseng pagpapaganda eh hindi nga ako gumaganda."

"Bakit na try mo na ba?" Supladang tanong naman ni Angel.

"Hindi pa." Sagot ko agad.

"Yun naman pala eh! Kung subukan mo kaya." Sabi sakin ni Angel. Sa bagay, may punto siya.

"Wait. Samahan mo pa pala ako mamaya sa Egay's, bibili ako ng project sa Mapeh." Biglaang sabi nito ni Angel.

Lagooooot! Yung project ko sa Mapeh, naiwan ko sa classroooom. Hindi ko pa naman napasa yun kay Mam Aquino! Waaaaaaaah!

"Text mo nga si Kenniedy." Pagmamadaling sabi ko kay Angel.

"Sabihin mo kunin niya yung project ko pero sabihin mo na sayo yun." Dagdag ko pa. "Baka kasi hindi niya kunin kapag nalaman niyang sakin yun eh."

Si Kenniedy yung isa pang matalik na kaibigan ni Angel pero nung simula nang dumating ako dito, naging kaibigan na rin ako ni Angel at hindi na sila masyadong close ni Kenniedy pero nagpapansinan parin sila.

***

Nakabili na si Angel ng project niya sa Mapeh at kami ngayon ay nag-aantay ng labasan ng mga estduyante dito. Hindi na ako nakapasok sa last period namin kasi nga diba nadumihan yung uniform ko.

Nag-aantay lang kami dito ni Angel sa waiting shed at maya-maya ay bumukas na rin ang malaking gate. Hindi pa kasi nagpapalabas ang gate kapag hindi pa 6:30 ng gabi.

"Lumayo ka muna sa akin at baka makita ka ni Kenniedy." Bulong naman sakin ni Angel.

Maya-maya ay lumabas na ang section namin at nakita ko namang dala ni Kenniedy ang project ko. Haaaaa! Salamat naman.

"Kenn, salamat ah?" Sabi naman ni Angel. Mali to eh, pero kailangan nang magsinungaling.

"Walang anuman. Sige, mauna na ako." Sabay alis ni Kenneidy.

Agad naman akong lumapit na kay Angel at kinuha na ang project ko. Buti naman at walang nabago!

"Angel. Salamat ah?" Sabi ko.

"Tara na! Balik na tayo sa bahay." Sabi naman ni Angel. Choosy pa? Siya na nga pinapasalamatan. Haaays!

Naglakad lang kaming dalawa ni Angel papunta sa bahay nila. Pumunta parin ako dito kasi nandito pa yung bag ko.

***

"Alis na ako. Bye!" Sabi ko naman at nag wave na kay Angel.

"Wait. Punta ka dito mga 9 bukas, dala ka narin ng kahit P100.00" Sabi ni Angel. Bakit naman kaya? Magpapatulong to sa project sa Mapeh.

"Oh sige na, alis na ako. Bye!" Nag wave na ako at tuluyang umalis.

◇ Dream ◇Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon