{Pagdaraos}

124 48 8
                                    

"Halika nga rito! Magpalit ka." Sabi sa akin ni Angel. "Oh ayan, pumunta ka ng CR."

Inabot sa akin ni Angel ang extra niyang T-Shirt na damit. Buti nalang lagi tong may dala, para kasi pag napawisan daw siya.

Pumunta naman ako sa CR at nagpalit na. Alangan naman na papasok ako sa next class na ganito ang suot diba?

***

"Haaay! Ba't kasi ganito ang binigay na ugali sa akin ni God eh! Promise talaga, mag sisipag at mag-aayos na ako." Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin at nag taas pa talaha ng kamay. Oh ayan, promise na ah?

***

"Okay na ba ang itsura ko ngayon?" Tanong ko kay Angel.

"Medyo." Tipid na sagot ni Angel. Hindi porket maganda ka T_T

"Asan na yung pagkain mo?" Sabi ko. Manghihingi na kasi ako, di ba nga nawalan na ako ng pagkain?

"Wala! Naisuka ko na." Pagtatampong sagot ni Angel. Bakit nanaman?

"Alam mo bang muntik na mapasuka sayo kanina yung prinsipe mo? Nagmamaganda ka nanaman kasi." Dagdag pa ni Angel. Oo na -_- Ako na pangit.

"Oo na! Alam ko na yun. Pasok nalang tayo." Pagsang-ayon ko naman. Dati pa naman ako ganito e.

Pumasok na kaming dalawa ni Angel at pagrating naman ay wala pa kaming teacher. Yung iba may sari-sariling mundo.

Mayroon akong kaklase na super landi. Fourth Year palang kala mo mag-asawa na ang turingan. Nakikipag flirt siya sa lalaki kahit anong oras nila gusto.

Minsan naiirita na kami sa kakatingin sa kanila pero sila wala paring paki alam basta ang alam lang nila naghahalikan sila. Pano kaya pag nahuli to ng teacher?

At dahil si Angel ang president sa klase. Sumigaw siya. "Hoy! Ano ba yan! Ang iingay! May sari-sariling mundo."

"Bakit breaktime naman ah?" Pambabara ng isa naming kaklase. Kung makabara kala mo kung sino -_- Siya naman nahuhuli dito saming klase.

"Eh ano kung breaktime?" Maangas na sabi ni Angel. "Kung nakaka istorbo kayo sa kabilang klase? Ha!" Pagtataray ni Angel. Abay, grabe to kapag magtaray!

Naupo nalang ang nangbabara kay Angel at mga kasamahan niya. Ang gulo gulo kasi ng klase -_- At ito namang sila Mhica. Haaays!

"Hoy! Mhica! Pwede ba tigilan niyo muna yan. Hindi pa nga kayo tapos sa high school oh!" Sigaw naman ni Angel sa mga malalanding nilalang dito sa klase.

Hindi naman pinakinggan nila Mhica ang sigaw ni Angela. Sa totoo lang, gusto ko narin sila mag-asawa para maranasan din nila yung hirap hindi puro ganyan sila!

"Hoooooooy Mhica!" Matinding sigaw na ni Angela at napakawalan naman na ni Charles ang babaeng kahalikan niya T_T Ang lalandi kasi.

Nakita ko namang papalabas na yung teacher sa kabilang klase at alam kong papunta ito sa amin. Tama si Angela, nakaka istorbo nga kami.

"Angela, si Mam Villalobos." Bulong ko kay Angela. I'm sure papagalitan nanaman kami niyan.

"Angela. Anong nangyayari sa classroom niyo? Bakit ang ingay?" Sabi ni Mam sa mahinahong tono.

"Pag hindin mo yan napatahimik, naturingan ka pa man ding president ng klase." This time parang galit na ang boses niya.

"Opo Mam." Sagot naman ni Angela at yuko ng mukha.

Alam kong mapapaiyak na si Angela kaya siya yumuko at alam ko ring nahihirapan na siya sa sitwasyon niya. Ganito kasi lagi sa klase namin, magulo kapag walang teacher.

"Angela. Okay lang yan." Sabi ko at haplos ng mga likod niya. Syempre kailangan para naman mabawasan ang init sa loob niya.

Nag walk-out naman si Angela at hindi na ako kinausap. Nakita kong umiiyak na siya, tumutulo na ang mga luha niya.

This time, kailangan ko namang ipagtanggol ang kaibigan ko na nandiyan lagi para sa akin.

"Hoy kayong lahat! Bakit ba lagi kayong ganyan ha? Lagi kayong maingay kapag walang teacher. Ganyan ba ang ginagawa niyo sa bahay niyo? Jusko!" Napahawak naman ako sa ulo ko. "Hindi niyo ba alam na nahihirapan na si Angela sa kakasaway sa inyo araw-araw? Sana naman mag-iba na ang ugali niyo."

"Sus! Ang pangit mo." Bulong na sabi ni Mhica pero sadyang matalas lang ang pandinig ko.

"Eh ano naman kung pangit ako ha? Oo pangit ako inaamin ko, atleast may utak. Ikaw, babaeng malandi, walang alam, ginagamit ang kagandahan para lumandi." Galit na sabi ko.

"Jusko naman Mhica! Hindi ka pa nga tapos ng high school eh. Pwede bang mag-aral ka muna?" Mahinahon kong tanong na medyo may pagka mayabang. Bakit totoo naman ah! Ganyan siya.

Nakita ko namang inirapan lang ako ni Mhica at naupo ng maayos.

Wala kong paki sa kanya! Alam ko lang malandi siya, maganda nga, ano namang saysay ng ganda niya kung ganyan din ang ugali niya? Panes! Abamatinde.

◇ Dream ◇Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon