{Maling akala}

95 43 4
                                    

"Ayun, siya! Siya, yung lalaking naka black T-Shirt." Turo ni Ice dun sa lalaki.

"Ayun ba? Ha!" Maangas na sabi ko naman. Kala mo talaga kakasa eh no? Pero, kakasa talaga ako. Nasabi ko na bang block belted ako ng taekwondo? Ayan, nasabi ko na.

Pinuntahan naman namin ni Ice yung tinuturo niya -_- Siguraduhin mong siya nga at kung hindi ikaw ang mawawalan ng espiritu ngayon gabi.

"Hoy! Ikaw." Sabi ko at tinulak ang lalaking naka itim. Hindi naman ganong kalakas na tulak.

Tumayo naman ito at tumingin sa akin. Kakasa ba to? Wala pa sa kalingkingan ko to eh. Hindi porket babae ako, hindi ako papalag? Humanda sila.

"Anong meron?" Walang kamaang-maang na sabi ng lalaki.

"Anung anong meron?" Singit naman ni Ice. Sige, sabihin mo sa kanya. "Ang kapal din pala ng mukha mo eh! Pagtapos mo akong bastusin kanina?"

Nakita ko naman ang expression ng mukha nang lalaki. Mukha itong nagulat. Nagulat, grabe maka re-act. Sige best actor kana!

"Hoy! Ikaw ha! Subukan mo pa ulit tong bastusing kaibigan ko. Malilintikan ka sa akin." Pagyayabang na sabi ko. Oo, totoo yun!

"Ako?" Gulat na tanong ng lalaki. Jusko naman! Kanina lang yun nakalimutan niya na agad? Napaka lakas naman ng pagka ulyanin niya.

"Hindi, hindi, siya, siya." Pamimilosopo naman ni Ice at tinuro naman niya yung lalaking nasa canteen kanina. "Diba nga ikaw ang sabi ko?"

"Wait! Diba ikaw yung lalaki kanina sa canteen?" Gulat na sabi ni Ice. Oo siya, tuturing mo nanamang prinsipe? Eh tingnan mo nga kasamahan niya, mga manyakis tapos baka katulad lang din siya.

"Hindi naman ako yung nambastus sayo eh. Siya!" Sabi nang lalaki at turo naman dito sa lalaki, yung nasa canteen. "At tsaka, hindi naman pambabastus ang ginawa namin, papanimomin ka lang namin ng juice eh."

Narindi naman ako sa sinabi ng lalaki. "Ano ulit?"

"Ang sabi ko, juice ang ipapainom namin sa kanya." Pag depensa naman nitong lalaking to. Abay ayaw pang umamin T_T

"Eh ba't kailangan niyong painomin si Ice ng juice ha?" Maangas na tanong ko naman. Pag may narason pa tong mga to, sila na ang best in rason.

"Kase..." Singit naman nitong si canteen boy. "Nakita namin siyang hingal na hingal na sa kalalakad kanina at baka kailangan niya ng tubig na maiinom."

Letse! May narason nanaman? Ayaw ko na, baka mapahiya lang ako dito. Lintik na Ice! Eto ang babawian ko ng buhay eh. Joke lang.

Bumalik naman ako sa konsentrasyon at sinabing. "Eto ang tatandaan niyo. Sa oras na binastos niyo to..." Sabi ko at hila kay Ice. "Malilintikan kayo sakin."

Hindi ko na hihintayin ang sagot nila at umalis na kami dito sa mga lasing gerong lalaki na 'to. Kapag nakita ko ulit to sa campus ng Lagro, susumbong ko sila at umiinom sila na dapat ay hindi sila papasukin.

***

"Hoy ikaw Ice!" Sigaw na sabi ko habang naglalakad kami dito. "Hindi ka naman daw pala binastus eh."

"Anong hindi! Nag-isip lang ng mga palusot nila kaya. Tapos ikaw nagpa uto ka naman." Paliwanag naman ni Ice.

"Oh! Easy, relax lang tayo." Cool na sabi ko naman. "Hindi mo ba agad napansin yung prinsipe mo kanina?"

"Hindi eh! Pero, ayaw ko na sa kanya, manyakis siya." Lungkot na sabi naman ni Ice. "Sayang yung kagwapuhan niya.

Kala mo talaga prinsipe niya eh no? Nag assume nanaman tong babaeng to.

Maya-maya ay narinig ko nang tumatawag ang amo ni Ice. "ICEEEEEEEE! Asan kana ba?"

Whooo! Kilala ko ang amo ni Ice, terror yun kung magalit. Maka alis na nga ako dito, baka madamay pa ako.

"Sige kita nalang tayo bukas. Bye!" Sabi ko naman at kuha ng bag ko dito sa damuhan nila. Nag wave nalang ako para senyales ng bye.

"Bye." Sabi ni Ice.

[Ice's POV]

Nakatayo nalang ako dito mag-isa sa labas. Sinagot ko naman ang mga sigaw ni Mam Alo.

"Nandito lang po ako." Sigaw na sabi ko naman para marinig ni Mam.

Maya-maya ay dumating na din si Mam dito at. "Oh! Anong ginagawa mo? Nag-aantay ng ligaw? Walang manliligaw sayo oy!"

"Eto na nga po eh, papasok na nga po." Singit ko at daan na sa gate para pumasok.

◇ Dream ◇Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon