{Palusot}

112 46 5
                                    

"Uwi na tayo Angel." Pagyayaya ko sa kanya. Pero, hindi naman siya sumagot.

Naubos ko na ang siomai ko at siya. Whaaaaaaat? Naka ilan na siyang plastic plate at hindi parin siya tapos kumain? Nako!

"Mauna ka na, kumakain pa ako eh." Palusot naman ni Angel. Haaaaaa? Ayaw ko, baka may mangyari sakin sa daan.

"Ayaw ko! Baka pagtripan ako sa daan." Takot na sabi ko at tago sa likod ni Angel. "Alam mo namang ikaw ang superhero ko eh."

"Ang OA. Hindi yan, wala namang magtatangka sa'yo eh. Sa mukha mong yan." Sabi naman ni Angel. Salamat ah? T_T Dapat hindi ko nalang siya niyaya.

"Oo na! Sige na." Tampong sabi ko naman. Ba't kasi hanggang alas 9 pwede si Angel eh! Magkapitbahay lang naman kami.

Umalis na ako at naglakad papunta sa hilltop. Malapit lang ang bahay ko dito sa school kaya nilalakad ko nalang. Pero, maraming nang titrip dito lalo na kapag ganito ang mukha mo.

***

Medyo malapit na ako sa bahay namin pero may nakita akong nag-iinumang mga lalaki dito. Lagooooooot! Ayaw kong mabigay ang virginity ko sa mga lokong 'to

Nangpalapit ako nang palapit. Nanahimik lang ako sa paglalakad. Parang mga bagong tao to dito sa lugar namin. Haaaaaays! Ayaw ko na, gusto ko nang bumalik.

"Pare! May chicks oh." Narinig kong sabi nang lalaki. Oh my! Gusto ko nang tumakbo pero hindi ko magawa.

"Pare! Painom natin. Hindi pwedeng hindi." Sabi naman ng isa pa nilang kainuman.

Gusto ko nang tumakbo. Eto na! 1.2.3 TAKBOOOOOO!

"Ha! Ha! Ha! Ha!" Hingal na sabi ko. Buti nalang nandito na ako sa bahay. Salamat, gusto ko sa prinsipe ko lang tong lips ko.

"Miss. Inom ka muna." Sabi nang lalaking nasa likod ko! Pero, waaaaaaaah! Hinabol nila ako at hingal na hingal din sila. Oh my! Dito na ata makukuha ang virginity ng lips ko.

Humarap ako sa kanila at sinabing. "Hindi po ako umiinom."

Nang makita nila ang mukha ko muntik naman silang masuka. Hindi lang muntik, nasuka talaga sila at sa damit ko pa. Punyemas naman! Ang dami ko na ngang labahan dito sa ama ko pati ba naman uniform ko.

"Kayo! Ang kakapal din naman ng mga mukha ninyo no." Sabi ko at tumakbo naman agad ang mga lalaki. Anong meron? Mabaho ba hininga ko? Hinarap ko naman ang kamay ko sa bunganga ko at huminga.

"Wala namang amoy ah!" Sabi ko sa sarili ko. "Tse!" Sabay irap sa mga lalaki.

***

Pumasok na ako sa bahay ng amo ko. Syempre, hindi naman ako magpapakita sa amo ko na ganto ang itsura ko. Dun ako dumaan sa likod, baka kasi makita ako ng amo ko kapag dito ako dumaan sa harap.

"Dahan-dahan lang. Baka may matapakan kang kung ano Ice." Bulong ko sa sarili ko at ayun na nga!

Waaaah! May tumunog na kung ano, binilisan ko naman agad ang lakad ko para maka rating na ako sa likod pero nahuli ako. Putcha! Baka, pagkamalan pa akong magnanakaw.

"Sino yan?" Sigaw na sabi nang Amo ko. Terror pa naman to kapag nagalit. Susuko na ako! Huhu.

Takbo. Takbo bilis, takbo! "Haaaay! Salamat." Buntong hininga ko.

"Oh! Ice. Ba't ganyan ang itsura mo?" Tanong ng amo ko. Ano nalang ang sasabihin ko? Letse naman oh!

"Ah! Mam, nadapa lang ako kanina sa may putikan." Palusot ko naman na sabi. Mahalata kayang suka tong nasa damit ko? Sana waaaaag!

Tumango lang naman si Mam at umalis na. Haaaaay! Salamat. Kala ko katapusan ko na. Katapusan agad?

(AUTHOR'S NOTE)

Read. Comment and Vote guys! Bakit ang daming tahimik na readers diyan?

Wag na kayong mahiya. Tayo-tayo lang naman ang nakakabasa nito eh.

Comment na dali, alam kong meron kayong gustong sabihin pero ayaw niyo kasi nahihiya kayo.

◇ Dream ◇Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon