{Past is past}

88 36 2
                                    

Nandito kami ngayon ni Angel sa bench malapit sa Admin, dito naman lagi ang tambayan namin kahit sa SB kami naka building. Masyado kaming gala no?

Maya-maya ay nakita namin si Isiah kabababa lang dito sa 2nd Floor ng Admin. Abay, masipag. Galing ng library? First time. Joking °

"Isiah. Libre mo nga kami!" Banat nito ni Angel. Sa bagay, close nga pala sila.

"Wala akong dalang pera dito eh, nasa taas." Rason naman nito. Eh ba't siya bumaba?

"Ba't nasa taas ba yung bag mo?" Tanong naman nito ni Angel. Hala! Interisadong kunin ba nito ni Angel yung bag ni Isiah?

"Oo eh! Kunin mo nalang dun. Tutal, may tiwala naman ako sayo eh." Sabi naman nito ni Isiah. Ang alam ko, magkaklase sila ni Isiah since 1st year high. Sa katunayan, naging mag bestfriend nga ata sila eh.

Pero, ngayon lang sila naging hindi magkaklase dahil nahirapan daw ata si Isiah nung 3rd Year sa Diamond. Laging section 1 ang section nito ni Angel.

Ang pinagtataka ko lang, sa 3 years na mag bestfriend sila hindi man lang sila na fall sa isa't-isa? Waaaaah! Umatake nanaman ang pagka ambisyosa ko. Nagbago nga ang mukhaan ko, eh yung mga negatibo kong pag-uugali? Nagbago ba?

Umakyat kami dito sa 2nd Floor ng Admin at syempre dahil library lang ang meron dito at duon na kami tumungo. Hinanap na ni Angel yung bag ni Isiah sa sahig, okay lang naman ang sahig naka tiles naman eh.

Maya-maya ay nakita na namin ang bag ni Isiah. Ay sorry, correction, siya lang pala ang nakakita. Ako, ambisyosang feelingera to the max lang. Eh kasi naman, kasama niya ako.

[Angel's POV]

Kumuha na ako nang pera dito sa bag ni Isiah matapos kong mahanap ito. Di bale, may permission naman ako sa kanya eh kahit na mahuli kami na nangangalkal ng bag.

"Angel. Ang prinsipe ko!" Bulong na sabi sakin ni Ice. Ano? Prinsipe? Si Sean nandito? Yung prinsipe niyang ungas? Ulul! Hindi prinsipe yung no T_T

Humarap naman ako dito kay Ice at nakita ko nga siya. Siya lang ang mag-isa ngayon. Pero, sure ako kasama niya si Isiah. Diba mag friends na silang dalawa?

"Anong ginagawa niyo sa bag ni Isiah?" Papalapit na tanong nito. Anong paki niya? Bag niya ba to?

"Tara na!" Sabi ko kay Ice at hila sa kamay niya para lumabas dito sa library ba to!

Pero, nang papalabas na kami ni Ice bigla naman niya akong hinawakan. Para saan pa? Bakit? Nanlalambot nanaman ang tuhod ko. Hindi ko na siya dati feel eh bakit ngayon? Lagoooot! Ayaw ko na.

"Pwede bang mag-usap muna tayo?" Tanong sa akin ni Sean. Anong dapat pag-usapan?

Hindi naman ako nasagot at nakatingin lang ako sa maamong mukha ni Sean. Oo na, naninginig ang mga tuhod ko ngayon, ewan ko kung bakit. Ano ba tong nararamdaman ko? Hindi dapat! Nagkakagusto sa kanya si Ice. Si Ice na alam kong mas maganda na kesa sakin ngayon. Oh please! Wag ka nang magpakita pa sakin?

"Ice. Pwede dun ka muna sa baba?" Maanong tono na sabi ko at tingin sa mukha ni Ice.

"Eh pano ang prinsipe ko?" Tanong naman nito! Oo, sayo na siya! Sayong-sayo na.

"Ice. Hindi ko siya kukunin sayo, makikipag-usap lang oh?" Kunwaring sagot ko naman. Kung alam mo lang.

Bumaba na si Ice at alam kong nakababa na talaga siya. Lalong nanginig na ang mga tuhod ko nang kami nalang ang naiwan dito sa taas.

Pumunta kami ni Sean dito sa may sofa banda sa may dulohan na ng 2nd Floor at duon kami naupo. Ano pabang gagawin namin? Ha! Ayaw ko na. Ayaw ko nang ganito.

"Ano naman ang pag-uusapan natin ha?" Mataray na tono ko! Kailangan kong maging malakas, kailangan kong maging matapang.

"Na-miss lang kita." Sabi sa akin ni Sean sabay hawak sa kamay ko. Waaaaaaag! Ayaw ko na, hindi ko maiwasan ang pagluha ko ngayon. Hindi ko kayang maipamukha sa akin ngayon ni Sean na ako ang mali!

"Sean! Tama na, kalimutan na natin ang dapat na kalimutan." Sabi ko naman at hindi nagtagal ay pumatak na nga ang mga luha ko. "Hindi ko kaya Sean. Please lang? Kalimutan na natin."

"Ayan ba ang gusto ha? Makalimutan ang matagal nating pinagsamahan?" Matapang din na sabi nito ni Sean. "After how many years Angel. Hinintay kita, hinintay kitang bumalik dito sa Pilipinas pero hindi mo ako binalikan. Oo, binalikan mo nga ako. Tapos pag balik mo, meron kang iba? Anong klaseng girlfriend ka Angel?"

Hindi rin nagtagal ay nagtaasan na ang boses naming dalawa at tumulo narin ang mga luha ni Sean. Sean, bakit, bakit kailangan mong ipamukha sa akin? After how many years, hindi ka pa ba nakuntento duon at kailangan pa nating humantong sa ganito? Seaaan.

"Seaaaaaan!" Lumuluhang sabi ko sa kanya. Hindi ko maiwasang mayakap siya dahil gustong gusto ko talaga. "Hindi mo ako naiintindihan Sean!"

Grabe na ang pagpatak ng luha ko halos parang marinig na hanggang baba ang hagulgol ng iyak ko. Niyakap ako ni Sean. Isa pa sa dahilan kung bakit gusto ko ulit siyang balikan. Ayaw ko! Ayaaaw na ayaw ko! Hindi pwede. Seaaaan? Hindi mo na kailangan gawin sakin to. Andaming nagkakandarapa sayo na ibang babae na mas maganda pa sa akin.

"Seaaaan please? Please lang?" Mahinang sabi ko. Halos mawalan na ako ng boses sa kakaiyak.

"Ok. Sige, kung yan ang gusto mo, pero kapag kailangan mo ako, nandito lang lagi ako at aalalay sayo." Sabi naman ni Sean.

Isa pa! Isang-isa pa yan. Ang mga salitang yan ang nagpatibok nb puso ko dito kay Sean. Seaaaaan? Lalo akong nahihirapan sa sitwasyon ko ngayon. Ni hindi nga alam ni Ice na naging boyfriend kita eh! Ano ba?

Umalis na ako sa pagkakayakap ni Sean at ibinigay sa kanya ang pera ni Isiah. Hindi ko na kaya! Ayaw na ayaw ko na!

"Paki-bigay-nalang-kay-Isiah-" Utal utal na sabi ko at tumakbo na paalis sa kanya. Naiyak ako ng sobra, sobrang namiss ko ang mga yakap niya ng mga bata pa kami pero ngayon. Bawal! Bawal na bawal na.

Pinunasan ko na ang mga luha ko gamit ang panyo ko. Etong panyo na gamit ko, eto ang unang bigay na regalo sa akin ni Sean.

Kapag umiiyak daw ako, ito ang magpapasaya sakin pero hindi, ito po ang lalong nagpaiyak sa akin.

(AUTHOR'S NOTE)

Guys! There's so many quiet reader's here. Hindi niyo ba sasabihin ang damdamin niyo o nahihiya lang talaga kayo?

Read. Comment and Votes! Enjoy ◇

◇ Dream ◇Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon