{Panaginip}

230 53 13
                                    

[Ice's POV]

"Miss. Sorry, nasaktan kaba?" Tanong nang lalaking nakapatid sa akin dito sa canteen at hawak sa kamay ko.

Oh my! Ang pogi niya. Napaka pogi niya. Humahaba nanaman ata ang hair ko. Wait lang nga!

Hindi na ako nakapagsalita at fineel ko muna ang mga kamay niya. Parang nag-iinit na ang mga katawan ko. Parang siya ang heater ko.

"Miss. Okay ka lang ba?" Tanong ulit nang lalaking pogi sa akin.

Hindi ko na kaya pang buhatin ang mga buhok ko at masyado nang mahaba. Kailangan ko na siyang putulin. Nababaliw na ata ako!

"Huy! Ice, tumayo ka nga diyan." Sabi ni Angel sakin. Panira naman ng moment to! Bahala siya, ayaw ko nang lumalig, gusto ko laging mainit.

"Ay. Ano yun?" Pagsabi ko na parang wala sa sarili. "Ah ayon. Okay lang ako."

Inalis naman agad ng poging lalaki ang pagkakahawak ng kamay niya sa akin. Bigla namang lumamig na ang temperature ko, kailangan ko pa ng heater!

Umalis naman ang poging lalaki kasama ang lalaking isa pa. Isa pang pogi! My gosh, super haba na talaga ng buhok ko.

"Huy Ice! Tumayo ka na nga diyan, ano kaba!" Sabi ni Angel at sipa sa akin.

Tumayo naman ako agad at bumalik na ako sa konsentrasyon. Hindi ko makakalimutan tong araw na ito! Masyado akong maganda ngayong araw.

"Meron ka bang gunting? Paki gupit nang buhok ko, masyado nang maganda." Sabi ko at haplos ng buhok.

"Alam mo! Kailangan na talaga nating putulin yan." Sabi ni Angel. "Hindi yung buhok ah! Yung hangin, masyado ka nang mahangin eh."

"Tara na! Pasok na tayo."

"Kala mo naman, ang ganda ganda! Wala pa nga siya sa isang daliri ko eh." Sabi nang isang babae na may kasamang grupo.

"Alam niyo! Wag kayong manlalait kung ayaw niyong masuntok!" Sabi ni Angel at lapag ng bag sa sahig tapos duro pa ng kamao.

Nagsitayuan naman silang lahat at umalis na. Ang siga talaga nitong kaibigan ko, salamat at nagkaroon ako ng ganitong kaibigan.

"Tara na!" Sabi ni Angel at kuha naman ng bag tapos ayos ng uniform.

***

"ICEEEEEEEEEEE!" Sigaw na amo ko at buhos ng tubig sa akin. "Gumising ka na! Papasok ka pa."

"Opo! Opo." Tarantang sabi ko at tayo sa kama ko.

Nakikitira lang ako dito sa Amo ko at sila na ang nag papaaral sa akin pero may bawas sa sweldo ko.

Naligo na ako, nagtoothbrush at nagbihis.

"Ayan! Maganda na ba ako?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. "Maka pasok na nga."

Kinuha ko na ang bag ko sa kama at pumasok na. Hindi naman ako humihingi ng baon kasi may allowance ako at ayun na ang ginagamit kong pang baon.

◇ Dream ◇Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon