bfs 🌸
Active NowTUE 8:03 AM
Persephone Amelia Peralta
Kinukuha akong subject ni Hades.Hermes Domingo
Magkano ka per unit?Lianna Hernandez
Haha. Tanga! Baka sa photography.Persephone Amelia Peralta
Yup. Haha. Sira ulo ka talaga, @Hermes! 😂Hermes Domingo
HAHAHAHA AY!! Oh, bakit ka pumayag?Persephone Amelia Peralta
It's the least thing I can do for his broken camera. Corrupted din daw 'yong memory card eh nando'n daw lahat ng shots niya for his midterm portfolio. ☹️Lianna Hernandez
Ay gaga ka! Nakakahiya teh! Dedma ka na nga, ibabagsak mo pa siya sa midterms. 🤭Persephone Amelia Peralta
Hindi ko naman sinadya. 😪
Inaayos ko na nga eh.Hermes Domingo
Yieee mowdel!! Ano 'yan, parang FHM? HAHAPersephone Amelia Peralta
Gago! It's a decent shoot. Tatanong ko pa kung anong theme. Sabi niya, you guys can join us. So sasamahan niyo ako.Hermes Domingo
G! Alam mo pogi din 'yong mga tropa ni Hades. Sabihin mo isama niya!Lianna Hernandez
Oo nga! 😍Persephone Amelia Peralta
Hindi ba nakakahiya 'yon?Hermes Domingo
Isasama lang naman, eh! Sige na, bff!! Alangan naman panuorin lang namin kayo maglandian ni Hades do'n. 🙄Persephone Amelia Peralta
Hindi naman maglalandian! Shoot lang!Lianna Hernandez
D'yan din pupunta 'yan. 😂Persephone Amelia Peralta
No way. Nagbabayad lang ako ng utang. Ayoko magkaroon ng atraso sa kanya!Hermes Domingo
Ewan ko sa'yo! Ang tigas ng puso mo! Kaya ka sinasapot. Ano, gusto mo mamamatay mag-isa!?Persephone Amelia Peralta
Mamatay agad!? 'Di pwedeng tumanda munang mag-isa? Haha. Alam mo, baks, hindi ko alam kung bakit parang kailangan may lalaki na katumbas ang mga babae para masabi na masaya o kompleto na. Sa totoo lang, hindi naman kailangan. To have someone is a want and not a need.Hermes Domingo
Bakit!? Ni minsan, hindi mo ba naisip kung ano 'yong feeling?Persephone Amelia Peralta
Hindi. Alam niyo naman kung paano kami iniwan ng daddy ko, 'di ba? My mom raised me all by herself. Kasi ang mga lalaki, puro papogi. Hindi naman kayang sumagot ng responsibilidad. 🙄Lianna Hernandez
Hindi lahat, Sephie.Persephone Amelia Peralta
I know that. Pero 'yong gano'n ka-presko at overconfident katulad ni Hades? Sasaktan lang niya ako.
BINABASA MO ANG
To Hell and Back
RomanceOf Gods and Mortals III: (Hades & Persephone) She was as cold as ice, until him.