LXXXIII.

689 38 11
                                    

bfs 🌸
Active Now

TUE 11:34 AM

Hermes Domingo
Bff, 'di ka ulit papasok?

Persephone Amelia Peralta
No

Lianna Hernandez
Dalawang araw ka nang hindi pumapasok beh ano sisirain mo na buhay mo??

Persephone Amelia Peralta
Pasok ako bukas. Promise.

Hermes Domingo
Ikaw nang-iwan tanga bakit ikaw emo???

Persephone Amelia Peralta
Bawal ako masaktan kahit ako umalis? Gano'n ba 'yon? Tang inang logic.

Hermes Domingo
That's not what I meant, but you made a choice. Bff, hindi si Hades 'yong daddy mo. He's just a part of the consequences when your parents decided to go different ways.

Hermes Domingo
Tsaka... ni minsan hindi ka piniling saktan nung tao. He only made a choice and that is to love you. Bakit kailangan kasama siya sa parusa?

Persephone Amelia Peralta
'Yon ang tamang gawin.

Lianna Hernandez
Bakit? Wala namang nagsabi na mali 'yan. Bakit mo itinatama 'yong hindi naman mali, besh?

Persephone Amelia Peralta
Sa akin, mali. Kasi tang ina parang ang ipokrita ko naman na mahahalin ko ang lalaki na galing sa pamilya na mas piniling buuin ng tatay ko kaysa sa amin ni Mommy. Hindi niyo kasi maintindihan, eh.

Hermes Domingo
Girl, hindi man perpekto yong pag-intindi namin, sinusubukan naman namin. Gets ko saan ka nanggagaling. Pero tang ina Sephie kung napapasaya ka nung tao, bakit pati sarili mo kailangan mong parusahan para lang magmukha kang tama?

Lianna Hernandez
True! Mahal mo naman, eh. Gaga ka lang. Alam mo tangang-tanga na yung tao sayo. Kawawang-kawawa na si Hades na hindi naman alam ano'ng ginawang mali. Lagi ka pang hinahanap sa amin ni Hermes.

Persephone Amelia Peralta
Wala na akong maibibigay na pagmamahal. Ubos na ubos na ako. Gusto ko na lang matapos na 'to, bumalik sa dati ang buhay ko na... alam niyo yon? A life where he doesn't matter. But no. Everything aches.

Persephone Amelia Peralta
Na putang ina gusto mo lang maging masaya and for once naniwala ka sa konsepto ng putang inang pag-ibig na 'yan. At para saan? Para gaguhin ka ng mundo.

Persephone Amelia Peralta
Buti pa noon. Tahimik buhay ko.

Hermes Domingo
Hindi ka naman masaya...

Persephone Amelia Peralta
Baka hindi ko deserve maging masaya.

To Hell and BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon