LXXXII.

749 37 10
                                    

Demeter Peralta
Active Now

MON 7:13 PM

Demeter Peralta
Your dad and I talked.

Persephone Amelia Peralta
What about him, Ma?
I'm not interested.

Demeter Peralta
Anak...

Persephone Amelia Peralta
Why?

Demeter Peralta
I know. I've known all along...

Persephone Amelia Peralta
Alin, Mama?

Demeter Peralta
About Hades being your dad's stepson.

Persephone Amelia Peralta
Alam mo?

Demeter Peralta
Yes.

Persephone Amelia Peralta
Bakit hindi mo agad sinabi, Ma!?

Demeter Peralta
I warned you, didn't I? Anak, sinabi ko sa'yo na masasaktan ka lang...

Persephone Amelia Peralta
Mom, hindi mo sinabi lahat! Sabi mo pareho lang sila ni Daddy! Kaya mo ba sinabi 'yon dahil alam mong kay Daddy siya lumaki??

Demeter Peralta
Yes. And I was right.

Persephone Amelia Peralta
Ma, you don't understand! Dapat diniretso mo na lang ako! Dapat sinabi mo na alam mo! Sana matagal ko nang itinigil, sana hindi ko minahal!

Demeter Peralta
Anak, mahal mo na siya noon...

Persephone Amelia Peralta
Kahit na! Iiwan ko! Iiwan ko siya, Ma, kahit parang mamamatay ako na wala siya kasi hindi ko siya kayang harapin araw-araw habang may lamat pa ni Daddy sa puso ko! At alam mo 'yon! Na kung sinabi mo agad, mabilis akong kakalas! Pero bakit hindi mo ginawa, Mama?? Bakit itinago mo?

Demeter Peralta
Akala ko, kapag ako 'yong namagitan sa inyo, sapat na 'yon para iwan mo siya. Para hindi mo na kailangan pang malaman 'yong totoo.

Persephone Amelia Peralta
Are you protecting dad??

Demeter Peralta
No.

Persephone Amelia Peralta
No, Ma! You did it so you can protect dad! Para sa'yo ako magalit! Kasi alam mo, Ma! Alam mo na lalong lalalim 'yong sugat kapag nalaman ko na kaya niyang maging ama sa lalaki na mahal ko pero sa akin hindi!

Demeter Peralta
I'm sorry, Anak. Please...

Persephone Amelia Peralta
Why?

Demeter Peralta
I didn't do it for him, Amelia. I did it for you. I was trying to protect you and your heart. Alam ko na kapag nalaman mo, lalo kang magagalit sa mga lalaki. Lalo mong isasara ang puso mo.

Persephone Amelia Peralta
'Yon naman ang gusto mo, 'di ba? For me not to date. For me to shelter my heart.

Demeter Peralta
Ang gusto ko, ingatan mo ang puso mo para sa tamang lalaki.

Persephone Amelia Peralta
Sino ba ang tamang lalaki, Mama? 'Yong nag-iisang minahal ko, bunga ng kasalanan sa mga mata ko. Hades is our personified pain! Na si Daddy, hindi nakontento sa pamilya na mayro'n tayo noon. And to think na inisip ko buong buhay ko that he just outgrew loving us, Mama. Na wala namang iba, nawalan lang ng pagmamahal. Pero may iba, eh...

Demeter Peralta
Your dad met Hades' mom three years after he left us. Wala talaga siyang iba noong umalis siya.

Demeter Peralta
Galit ako sa daddy mo, Amelia, pero hindi kita papaniwalain sa mga kasinungalingan. Totoo, your dad outgrew his love for me but never for you. Ako, itinago kita sa daddy mo. Maraming taon niya akong kinulit pero ang sa akin lang, ano'ng karapatan niya sa'yo kung hindi niya kayang manatili?

Demeter Peralta
Mahal ko pa ang daddy mo noong iniwan niya ako. Pero hindi niya ako binigyan ng pagkakataong pumili para ipaglaban kung ano ang mayro'n kami. Kaya pinili ko ang landas na parehong wala siya sa buhay natin. Pinalaki kita mag-isa. Kinaya ko lahat. Dahil nagdamot kami pareho.

Persephone Amelia Peralta
Mama, ayoko na. Ang unfair! Kayo ang pumili noon, pero bakit kami naman nasasaktan ni Hades ngayon?

Demeter Peralta
Dahil 'yan ang pinili mo, Anak.

Persephone Amelia Peralta
Ma, inilaban ko si Hades. Ngayon ko lang hindi kaya. Ngayon lang sobrang sakit.

Demeter Peralta
Masakit dahil nagdadamot ka rin ngayon.

To Hell and BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon