LXXXV.

737 39 9
                                    

Persephone Amelia Peralta
CW 2-2
Introduction to Poetry

Spoken Poetry Piece

'Pahimikas'

Mahal, sabihin mo sa akin kung paano ang tamang paalam. Kung sa anong paraan mo gustong marinig na ako ay aalis na. Dahil kahit anong salita, kahit anong wika, isa lang naman ang iiwan sa 'yo ng aking paalam at iyon ay sakit.

Mahal, humihingi ako ng tawad sa sakit na nararamdaman ko na ibinuhos ko sa 'yo. Sa aking pagmamalupit. Sa paghagupit ng aking lungkot. Sa patuloy kong pagtaboy at pikit-mata kong pagtanggi sa lahat ng kaya mong ibigay, lalo na sa pagmamahal na walang sawang inialay mo sa akin.

Mahal, inialay mo sa akin ang pagmamahal na walang kapantay. Tinatanggap ko ang mga kasinungalingan mo dahil kung may mas malaking sinungaling sa ating dalawa ay ako iyon.

Mahal, sinungaling din ako. Nagsinungaling ako noong sinabi ko sa 'yo ang salitang paalam. Nagsinungaling ako noong sinabi kong hindi kita mahal. Nagsinungaling ako noong sinabi kong ayaw ko na.

Dahil ang totoo, ikaw ang pinaka maganda kong konsepto ng pag-ibig. Ikaw ang patunay na kaya pang tumibok ng puso para sa ibang bagay, at higit sa lahat, para sa 'yo. Inangkin mo ang bawat kahulugan ng pagmamahal na puwedeng maging laman ng mga diksunaryo, binigyan ng kulay ang mga araw na noon ay ayos lang sa 'ayos na'.

Pasensya ka na, Mahal. Sa sakit na idinulot, sa kasinungalingang binuo. Pasensya ka na. Sa katotohanang hindi na kaya pang ilaban. Sa pag-ibig na pilit kong ipinagdadamot at itinatanggi.

Mahal, pakiusap, palayain mo na ang sarili mo sa sakit—sa akin. Ilaan ang pag-ibig sa tama, sa dapat, sa karapat-dapat. Kahit hindi na ako. Kahit hindi na sa akin.

Patawad.

Paalam.

Mahal pa rin kita.

Mahal na mahal pa rin kita.

To Hell and BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon