Persephone Amelia Peralta
Active NowFRI 10:45 AM
Hades Calix Santiago
Ba't ka umiiyak??Persephone Amelia Peralta
Nasa'n ka?Hades Calix Santiago
Lapit na.Hades Calix Santiago
Bakit ka nga umiiyak??Persephone Amelia Peralta
Parang 'di pala kita deserve. ☹️Hades Calix Santiago
Eh gusto ko. Kahit sinaktan mo ako. Kahit sinasaktan mo ako paulit-ulit, babalik ako sa'yo.Persephone Amelia Peralta
Parang mali 'yon?Hades Calix Santiago
Sino ba nagsabing gusto kong maging tama? Tang ina, Persephone, noong pinili kita, sabi ko lahat gagawin ko. Nagsinungaling ako, nagpapansin... lahat ginawa ko para makuha atensyon mo. Mali 'yon, alam ko. Pero sabi ko noon, pumayag ka lang, papasukin mo lang ako sa buhay mo, aalagaan kita.Hades Calix Santiago
Hindi ka naman matigas, eh. Takot ka lang. Naiintindihan ko 'yon. Alam mo 'yong masakit? Ako 'yong sumalo ng mali at galit mo sa mundo. Akala ko sapat 'yong pagmamahal ko para magtiwala ka na kaya kong ilaban ang mga takot mo para sa'yo, para sa atin. Kaya ang sakit noong basta-basta mo na lang ako itinaboy. Hindi ko na naman alam lugar ko.Hades Calix Santiago
Eh kaso, tanga ako. Ito na naman ako, papunta sa'yo. Kasi kayang-kaya mo 'kong kunin. Tang ina, tiniis kita pero noong una mong sinabi na mahal mo 'ko, nabaliw ako.Hades Calix Santiago
Mahal kita, Persephone. 'Pag lumapit ako sa'yo, hindi mo na ako pwedeng takbuhan.Hades Calix Santiago
Kasi kung takot ka, mas takot ako. Pero sabay tayo. Hayaan mong sabay tayo na harapin 'yong mga takot na 'yon. Hayaan mong mahalin kita.Persephone Amelia Peralta
I'm sorry. I'm really, really sorry for causing you pain. You don't deserve that.Persephone Amelia Peralta
I love you.Persephone Amelia Peralta
Please hold my hand again.Persephone Amelia Peralta
Please.Persephone Amelia Peralta
Mahal kita, Hades. Hindi na ako tatakbo ulit, pangako.
BINABASA MO ANG
To Hell and Back
RomanceOf Gods and Mortals III: (Hades & Persephone) She was as cold as ice, until him.