LXXIX.

693 27 6
                                    

(0977) 326 26xx

12:03 am
You blocked me everywhere...

12:05 am
What the fuck??? 'Di ka talaga titigil!? Nanggulo ka na nga dito sa unit!

12:08 am
Hindi naman ako nagpunta d'yan para manggulo. Paliwanag lang, oh. Sige na. Kasi mukha na akong tanga dito. Hindi ko alam anong ginawa ko, kung bakit galit na galit ka sa akin. Kung bakit biglang ayaw mo na.

12:14 am
Ayoko lang.

12:17 am
Sabi mo naman mahal mo ako, Persephone. Naniwala ako...

12:20 am
Sabi ko lang 'yon.

12:21 am
Sinayang mo lang oras mo sa akin? Para gaguhin ako?

12:24 am
Guys like you are boring. You'll act presko and makulit then what? Sasabihin niyong nagmamahal na kayo. Pero iiwan niyo? Inunahan lang kita.

12:30 am
Totoo namang mahal kita.

12:46 am
Well, sorry. I don't feel the same way.

12:47 am
Tang ina, Persephone! 'Di ko na alam anong trip mo pero putang ina alam ko mahal mo rin ako! Kaya sabihin mo sa akin kung anong ginawa kong mali para alam ko kung paano itama! Kasi ako kaya kitang habulin nang paulit-ulit! Ipagsisiksikan ko sarili ko sa'yo nang paulit-ulit! Kasi alam ko mahal mo ako!

12:50 am
Pwede ba, Hades! Tama na!

12:52 am
Sige na, Persephone. Pagkakataon lang, oh.
Ako na bahala sa sarili ko. Ayos lang kung 'di mo talaga 'ko mahal. Tatanggapin ko na lahat. 'Wag lang ganito.

12:55 am
Hindi ko kayang ibigay ang hinihingi mo. Tumigil ka na.

To Hell and BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon