XLVII.

876 41 10
                                    

INT. ACHERON TOWER — 4:43 PM

Lia, wait lang! Stop knocking! Ito na—HADES!? WHAT ARE YOU DOING HERE!?

Sorry. I asked Lia and Hermes for your unit number tapos sumabay ako sa resident sa baba para makapasok.

So, why are you here? Teka, pumasok ka nga muna!

Uhm, I brought you food? And some soup. Baka hindi ka pa kumakain. Tapos binilhan din kita ng gamot.

What for?

May sakit ka kaya!

Oo nga. Pero kaya ko naman ang sarili ko.

Gusto ko pa ring alagaan ka. Bawal?

Pwede naman. Tara kumain muna. Sabay na tayo.

Sige. Ako na dito.

Uy... thank you, ha?

Saan naman?

Sa lahat. Kasi pinagtitiyagaan mo ugali ko.

Sus! Wala 'yon. Makita lang kita na nakangiti, ayos na ako.

Ano'ng napapala mo?

Wala. Wala naman akong kailangan, eh. Ikaw lang.

Bakit mo 'ko kailangan?

Because you make me happy.

Paano kung hindi na kita napapasaya? Paano kung hindi na ako nagpapahabol?

Dito pa rin ako. Malungkot o masaya, dito lang ako.

Bakit nga?

Because I like you.

Bakit mo 'ko gusto?

Bakit hindi pwede?

Wala akong sinabing gano'n.

So, pwede?

Nand'yan ka na, eh.

Gusto mo ba ako mawala? Aalis naman ako.

Hindi.

Eh 'di hindi ako aalis.

Parang sumasakit puso ko, Hades...

Huh!? Okay ka lang ba, Persephone!? Dalhin na kita sa ospital!?

Hindi, hindi! May iba...

Huh?

Naiinis ako.

Oh, bakit?

Mabilis. 'Yong tibok. Kapag nand'yan ka. Normal ba 'yon?

Baka sa kunsumisyon mo sa akin?

Tanga. Baka dahil sumasaya 'yong puso ko kapag nand'yan ka?

Bakit sumasaya?

Ayoko munang sagutin.

Hindi kita pipilitin.

'Wag mo nga akong titigan!

Pwede ba... pwede ba kitang halikan?

May sakit ako. Mahahawa ka.

Pero pwede?

Hindi ko naman sinabing baw—gago! Ang bilis mo naman!

Baka masagot n'yan 'yong tanong kung bakit ang bilis ng tibok ng puso mo.

Magkakasakit ka.

Ganyan kita kagusto.

Baliw 'to!

Sa'yo lang baliw.

To Hell and BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon