After highschool, pinagtrabaho ako ng Tatay ko sa Tubigan namin. Para daw may pera ko. Hihi. Saka siguro para may alam ako sa negosyo namin na nagpapakain sa'ming pamilya.
Pero ito ang tunay na kwento. Lol.
May kalokohan kasi kaming magbabarkada. After ng trabaho ko sa'min, kain ako dinner tas konting tambay sa sala namin tas kapag 8 or 9pm na, ayun na, takas na! Hahaha.
Tatakas ako para makipagkita sa mga barkada ko. Hmm. Minsan pupunta sila sa'min. Nasa labas lang sila ng gate tapos itetext na nila ko na nandyan na sila.
Ano ginagawa namin?
Nagbabike sa gabi. Hahahaha. Malalakas trip namin e! Ako at yung bespren kong si Yu lang ang babae sa'ming magbabarkada, yung tatlo naming barkada, puro lalaki na.
Sa tanda ko, nakiki-angkas lang kami sa bike ng mga barkada namin. Haha.
Ganto trip namin. Susunduin nila ko, tapos pupunta naman kami sa bahay ni bespren. Siya naman susunduin namin. Medyo pahirapan din para masundo namin siya kasi tumatakas lang din siya. Hahahaha. Kaming dalawa lang naman talaga ang takas dito.
At pagkatapos non, pupunta na kaming bayan. Fiesta kasi sa'ming nung mga panahong 'yon kaya nagfufoodtrip na rin kami.
Minsan, nagbabike kami papuntang bayan, minsan lakad lang. Alay lakad. Hahaha. Tas tawa at kwentuhan na kami. Ang iingay lang namin!
Tapos minsan para kaming timang na nagtataguan din. Haha. Trippings lang!
Kaso natapos din ang pagtakas na 'yon.
Sinumbong kasi kami nung Ate ni Bespren. Nakakaiyak! Huhu.
Parehas kaming napagalitan ni Bespren ng mga magulang namin. Ako ang masaklap, na-grounded ako non! Aray!
Hirap maging babae. Huhu.
BINABASA MO ANG
Kwentong Barbero (Barber's Story)
Random"Magtae ka sa inggit!" Kwento ng kalokohan, kadramahan, kaartehan, kakulitan, kapasawayan, katinuan (kung meron man), ka-engutan, kabobohan, kabaliwan, kalungkutan, kaligayahan, electric fan, pakwan, dustpan, leche plan ni Invi. Basahin mo na, baka...