Pag-iinarte

7 0 0
                                    

After a medyo-long-time, nagkita at nagkasama uli kami ni Par.

Napag-usapan ata naman si EJ, yung classmate nya ng elem at bestfriend nya daw.

Kasama nya yun sa inuman, sa kasawian, galaan etc.

Tapos sabi ko, 'si EJ na naman'. With nag-iinarteng face. Hahahaha. Art ko lang!

Hiniram ko phone nya. Tapos nagbrowse ako ng pictures. Nung nakita ko yung album ng pictures nila ni EJ, gala nila, inuman nila.. Nag-inarts uli ako! Hahahaha. Nagtampu-tampuhan. Kunyare nagseselos ako.

Tapos nung naglalakad na kami papuntang lugawan, pinagtatalunan namin si EJ.

Bestfriend nya daw yun. Mas nauna daw nyang naging bestfriend 'yon kaysa sa'kin.

Sabi ko naman, dapat ako lang ang bestfriend niya. O kaya naman dapat ako ang una nyang bestfriend kahit pa nauna nya pang nakilala 'yon. Hahaha. Pinipilit ko talaga!

Tas nauna daw kasi 'yon. Mas bestfriend daw nya 'yon. Pagbibiro nya. Pero baka seryoso? Hahaha. Ewan.

Tas inulit ko uli yung linya ko sa kanya.. "Mas masakit yung may iba nang bestfriend yung bestfriend mo kaysa may bago siyang lovelife."

Basta asaran lang kami.

Tas nung nakauwi na ko, magkatext kami.

Par: Wag ka na tampo par ah! :-) :-D

Invi: Hahahahahahahaha. Naniniwala ka kanina na nagtampo ko?

Par: Oo naman. Madali akong maloko e. Kaya madalas akong nasasaktan e. :'(

Invi: Sa bagay. Hindi ko naman gustong lokohin ka. Pero.. Nasaktan din naman ako.

Par: So ganito na naman tayo? Ganito na lang ba lagi? Minsan magpaubaya ka naman. Ano? Ako na lang lagi ang mag aadjust? Hahahaha

Invi: Sige. Kung yan talaga ang bagong set up, may magagawa pa ba ko?

Hahahahahahaha. Tae! Kahit kailan talaga hindi kami makapag-usap ng matino. Puro kalokohan.

Kahit mukhang seryoso yung convo pero alam na alam namin na kalokohan na naman 'yon. Lakas trip lang. Hahahaha

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kwentong Barbero (Barber's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon