97.1

23 0 0
                                    

Third year highschool ang pinakamasaya kong year sa highschool.

Maraming dahilan. Haha.

Isa sa dahilan ay palipat lipat kami ng room. May ginagawa kasing bagong building.

May kalokohan kaming magbabarkada.

Kapag bored kami dun sa subject, nagraradyo kami. Hehehe.

Medyo hindi pa kasi uso non ang mga iPod, mp3, cellphone na tatskrin.

At mahihirap lang kaming magkakaklase kaya radyo lang. Haha.

Yung kabarkada kasi naming isa may radyo yung cellphone.

Ang gagawin namin, uupo kami sa likod na likod. Tapos magsisiyukuan kami saka kami makikinig sa Brgy. LS 97.1.

Paborito naming stasyon yon sa radyo. E panghapon kami non kaya ang pinakikinggan namin yung 'Talk to Papa' ni Papa Kiko at Papa Bear. Haha.

Nasa LSFM pa non si Papa Bear.

"May problema ka ba? I-talk to papa na!" - tagline ng Talk to Papa.

Ang kulit kasi nila. Puro sila kalokohan sa pag-aadvice sa mga tumatawag, na minsan nag-iimbento lang naman ng problema at yung iba gusto lang naman magrequest ng kanta o bumati.

Paborito rin naming segment ng Talk to Papa yung rambuhan.

"Full tank ka! Rambo ka!"

Hahahahaha. Tas aarmalaytin nila ng aarmalaytin. Kung totoo lang 'yon, wala ka ng pag-asang mabuhay. Hahaha

Ang dami ko ring nakuhang kalokohan don. Saka yung mga jokes nila. Haha

Ayun nga pala, hindi naman kami nahuli ever sa pagraradyo. Hahaha. Minsan nakiki-kinig pa yung iba naming kaklase. Hahaha.

Basta pumatak ang ala una, pupwesto na kami para makinig. At tawa kami ng tawa sa likod. Hahahaha.

Pag hindi kami nakapakinig, parang hindi buo ang araw! Lol

Hay. Nakakamiss si DJPK.

Usually namin talaga sa mga DJ's, hindi sila kagandahan at kagwapuhan.

Hahaha. At aminado naman sila. Na pang-radyo lang sila. Hahaha.

Pero ang gagaling lang talaga nila. Hindi sila maubusan ng sasabihin at advice.

Namiss ko ang highschool, ang Talk to Papa, ang makinig sa LSFM. Hihi.

Kaya.. may problema ka ba? I-talk to Papa na! ;-)

Kwentong Barbero (Barber's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon