Minute Burger

35 1 0
                                    

Paborito kong pinsan si Kuya Kram. Mabait kasi siya sa'kin.

Nag-iisang anak lang siya. Mabait sa'kin 'yun kasi nakakasabay sa trip ko, nakikinig sa kwento ko, nililibre niya ko, mahaba ang pasensya niya kahit asarin ko siya ng asarin. Hahaha. Mahilig kasi ko mambwisit.

Call center agent siya dati. Syempre weird ang pasok at uwi niya.

Dati, pagka-uwi non, papasok 'yon sa kwarto ko. Tatambay, makikipag-usap sa selepono niya, magkukwento.

Tapos madalas kaya papasok yun sa kwarto ko kasi mag-aayang kumain. Sa gabi 'yun ah! Alas onse ng gabi. Foodtrip!!!

Saan kami pupunta? Sa bayan. Para kumain ng burger sa minute burger. Malamang! Hihi.

Ang sarap. Chicken time ang favorite ko don. Nililibre ako ni Kuya kapag may pera siya pero minsan nililibre ko siya.

Mas close pa kaming magpinsan kaysa sa'min ng kapatid ko. Hehe. Mas mahaba kasi pasensya ni Kuya Kram e.

Nakakamiss lang yung mga panahong nagfufoodtrip kami sa gabi.

I miss you pinsan. Where na you? :-(

Kwentong Barbero (Barber's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon