Mamang Sorbetero

60 0 0
                                    

Noong first year highschool ako, pagkatapo ng klase namin ng bespren kong si Yu, didiretso kami sa may gilid ng plaza.

Hmm. Teka, explain ko muna. Pang-umaga kami noon, 12nn ang uwian namin. Magkaiba kami ng section ni bespren. Huhu.

Pagkatapos ng klase, tomguts na! Pero imbis na dumiretso kami pauwi, tatambay pa kami. Palibhasa kasi hindi nga kami magkaklase. Bonding muna bago umuwi.

So ito na nga..

Pupunta kami sa gilid ng plaza. May nagtitinda kasi doon ng dirty ice cream.

Favorite namin ni bespren ang ice cream. Mapa-dirty or clean ice cream.

Panawid gutom na rin naman iyon.

Five pesos lang yung ice cream na nasa cone.

Dahil suki na kami ni Mamang Sorbetero, lagi naming sinasabi sa kanya na dagdagan ng scoop yung ice cream.

Eh syempre bobolahin muna namin para dagdagan nga. Haha. Dinadagdagan naman ni Manong.

Tapos siguro nakakalimang ice cream kami.

Iyan yung tipong sasabihin namin na 'Last na to' pero hindi talaga namin mapigilan. Ang sarap kase!!

Ang bait lang ni Manong kasi nakukuha namin siya sa pambobola at lagi kaming may dagdag na scoop sa ice cream.

Kwentong Barbero (Barber's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon