Paalala: Ang parteng ito ng "Kwentong Barbero" ay rated SPG. Meaning Super Pogi ng Groom. Charot! Hahaha. Mahalay 'to. Lol.
Nagshoot kami kanina ng prenup.
Ang ganda at ang gwapo ng client namin. Ohmy!!!
Sa UP kami nagshoot. Hahaha. Astig lang.
Tapos itong si Bride, pinaghuhubad ng polo si Groom. Mag-topless daw para ipakita daw ang pinaghirapan ng soon-to-be-hubby nya.
Edi naghubad na si Groom. Topless na.
Ohmylantanggulay!!!
Trulili nga. Kaya pala proud na proud si Bride. May abs nga!! Bukod sa ang gwapo gwapo na ni Groom, may abs pa. Parang Dingdong Dantes ang datingan ni Groom. Tas medyo hawig pa ni Marian Rivera si Bride. (yung haters ng DongYan, hwag na kayo!! :P)
Grabe! Simple lang ang beauty ni Bride pero bagay na bagay naman sila ni Groom.
Click. Click. Click.
Pagpasok namin ng team sa kotse, sabi ni Boss: "Napa-nganga si Invi kanina e. Dapat kinuhaan niyo para may ebidensya. Tumulo pa nga ata laway e.
Pagdating sa abs, daming shots nito eh. Baka gawin mo pang wallpaper yan ah!"
Sabi ko naman.. "Di boss! Pang-coverphoto na 'to."
Mga adik. Inasar na ko ng inasar. Hahaha.
Tas nung nagchange location na kami, dami don na ginawang set ng prenup shots.
Last set, topless uli si Groom.
Pagkatapos non..
Boss: Oh may ulam ka na! Ulam shot!
Invi: Hahaha. Bluetooth mo na lang sakin boss.
BINABASA MO ANG
Kwentong Barbero (Barber's Story)
Random"Magtae ka sa inggit!" Kwento ng kalokohan, kadramahan, kaartehan, kakulitan, kapasawayan, katinuan (kung meron man), ka-engutan, kabobohan, kabaliwan, kalungkutan, kaligayahan, electric fan, pakwan, dustpan, leche plan ni Invi. Basahin mo na, baka...