Blue Magic

104 1 0
                                    

Mayroon akong kababata. Syempre lalaki siya.

Bata palang kami, pinagpe-pair na kami. At bata pa lang kami, crush na niya ko. (hihi pwera biro)

Nitong nagdalaga at nagbinata na kami, gusto pa rin niya ko. Pero hindi ko talaga siya makuhang magustuhan. Bakit? Maraming dahilan pero ang pinaka-ayoko talaga yung pagiging Pro niya. Pro-hangin kasi -.-

Hate ko talaga ang mayayabang. Ang sarap sipain! At iyon siya. Puro hangin sa katawan si Pro. Tas papansin pa. Ayoko rin non.

Pero friends kami noon. Friends kasi no choice na ko? Haha. Di naman. Parang nangyari na lang since magkababata naman.

Okay naman siyang kaibigan. May pagka-galante. Kaso kasi yung kabaitan na pinapakita ko sa kanya, namimisinterpret niya.

Example, ang bait ko sa kanya. Ang iniisip niya non, gusto ko na din siya. Oh diba? Lakas mangarap. Pwera kayabangan dito pero hindi ko talaga siya magustuhan kahit 0.1%.

At eto na ang tunay na kwento..

Mabait ako e. Friends kami non. Tapos magkatext kami that time. Tinatanong niya ko kung gusto ko daw ba ng teddy bear. Hmm. Hindi ko na matandaan ang exact answer ko. Pero ang sabi ko ata sa pagkain talaga ko mahilig. Hindi ko kasi ma-appreciate ang mga regalong kagaya ng teddy bear.

Bukod sa hindi ako mahilig sa stuff toys, hindi ko naman nagagamit 'yon at hindi 'yon nakakain. HEHE. Aalikabukin lang. Lalabhan ko pa, sayang ang energy ko. -.-

Tas isang araw sabi ni Pro labas daw ako ng bahay. Syempre nagtataka naman ako. Pero may kutob na ko kung bakit.

Lumabas naman ako.

Paglabas ko lumapit na siya sa gate namin. Tas inabot niya yung paperbag ng Blue Magic.

Nagulat na hindi ako. Hahaha. Pano kasi nung tinatanong niya ko, may feeling na ko na magbibigay siya.

Pero natuwa ako. Syempre. Pagka-bigay niya, tinanong ko kung ano 'yon kahit kabobohang itanong pa 'yon. Sabi nya, 'sayo yan' tapos umalis na siya.

Medyo shocked pa ko nung una. Pero tinignan ko na rin ang laman.

Pink teddy bear na may hawak na 'I love you'. Yung kahoy na parang karatula, alam nyo yon? Basta yun na yon. At may cadburyyyyyy! Yun ang pinaka-nagustuhan ko don. Alam na alam niya kasing favorite chocolate ko 'yon.

May kabobohan ako. Alam ko kung anong ibig sabihin non. Nanliligaw siya. Sinabi ko sa kanyang hindi ko kayang tanggapin 'yon kasi hindi ko naman sya gusto.

Sabi ko, ibabalik ko! Hahahaha. Bobo mode.

Tas sabi niya, itapon ko na lang o sunugin ko basta huwag ko lang ibalik. Ego kasi. Nagkamali ako don! Kaya tinanggap ko na lang talaga at nilantakan ang cadbury.

Sama ko nu? Hihi.

Kwentong Barbero (Barber's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon