Naglalakad ako papuntang Dunkin. Ibibili ko kasi si Nanay (nanay ng bespren ko) ng Dunkin. Malamang diba? Alangan namang ibili mo ng Mcfloat sa Dunkin? Lol
Tas ayun, habang naglalakad ako, nagflashback sa mind ko (like ang arte ko!) yung mga moments namin ng mga bespren ko.
Marami kasi kong tinuturing na bespren. Hahaha. Pero ang pinaka talaga, si Yu.
Ayun nga. Naalala ko nung nagbakasyon ako sa lugar ba yun tas nagpunta kaming Dunkin. Tapos kumain kami. Nagchismisan. Nagdaldalan. Nagkwentuhan. Nagpicturan.
Hindi ko nakakalimutan bawat mahalagang detalye.
Sabi ko nga, sobrang attached ako sa mga kaibigan ko. Kaya namiss ko sila nung moment na yun.
Nakakamiss yung nakasanayan na!
Tas syempre pagkabili ko, dumiretso na ko sa bahay nila bespren. Wala pa si Nanay dun. Kaya inabot ko lang kay bespren then umalis na ko.
Bumalik din naman ako. Dun ako naglunch. Tas tinikman ko yung binigay ko. Bwahahahaha. Tinde ko magbigay!
Tas masarap pala yung red velvet na munchkin ng Dunkin. :-)
BINABASA MO ANG
Kwentong Barbero (Barber's Story)
Random"Magtae ka sa inggit!" Kwento ng kalokohan, kadramahan, kaartehan, kakulitan, kapasawayan, katinuan (kung meron man), ka-engutan, kabobohan, kabaliwan, kalungkutan, kaligayahan, electric fan, pakwan, dustpan, leche plan ni Invi. Basahin mo na, baka...