ROFL

16 1 0
                                    

Naglalakad kami ng mga babae kong BFF na sina Yu, Tiny at Bangs. Papunta kaming sakayan pauwi.

Lakad. Lakad. Lakad.

Kwentuhan. Kwentuhan. Kwentuhan.

Silang tatlo nasa side walk or gutter ata tawag don. Ewan ko kung tama spelling ko basta yun na yon. Ako nasa baba nun. Nagkukwentuhan kami habang nagtetext ako.

Hanggang sa. . nawala ako.

Nadulas kasi ko. Alam nyo yung mga butas ng mga gutter? Yung butas para lusutan ng tubig kapag umuulan papuntang kanal. Hirap i-describe pero sana naiintindihan niyo.

Eh madulas yung lusutan na yun. Naglalakad ako at pagkalakad ko don, sa sobrang kinis ng pagkaka-semento, nadulas ako!!!

Grabe. Sobrang nakakahiya yung nangyari sa'kin!! Ang daming tao nun. Mga 6 or 7 o'clock ng gabi kaya madaming tao sa daan, mga galing sa school at trabaho. Medyo semi-palengke din kasi don.

Pambihira talaga! Umakyat dugo ko hanggang ulo sa hiya. Yung pagkakadulas ko pa, sobrang lakas! Lahat napalingon sa'kin. Tapos yung cellphone ko, bagsak!!

Eto matindi.. Matitindeng kaibigan!

Lahat silang tatlo sabay sabay na napalingon sa'kin. Yung pagkaka-upo ko parang mermaid. Tsk!

Tiny: Oh bru?? (may pag-aalala sa boses niya)

Lahat sila mukhang nag-aalala.

Hindi ko alam kung saan nagsimula pero bigla silang tumawa.

Tumawa sila ng tumawa ng tumawa ng tumawa. As in yung very hard na pagkakatawa!

Ako naman, natawa na lang din sa mahapding sinapit ko!

Hahahahahahahaha. Ang hahard nila!

Imbis na tulungan akong tumayo, pinagtawanan muna ko. Mga sira!!! Hahahahaha.

Tapos tinulungan din naman nila ko.

Kahit alam kong may sugat yung tuhod ko, keri lang. Lakad pa rin. Pinagtawanan ko na lang din ang nangyari.

Ang hahard lang talaga ng mga kaibigan ko. Hahahaha.

Yan ang tunay na kaibigan.

Pagtatawanan ka muna bago ka tulungan! HAHAHAHA.

Kwentong Barbero (Barber's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon