Magbi-beach kami ng mga kabarkada ko kasama ang maraming kaibigan.
Isang bus at mahigit kami non. Ang dami talaga namin.
Pagdating ko sa bus, puno na. Pero dahil may usapan kami ni Par na magtatabi kami sa bus, ni-reserve niya ko ng upuan.
So doon ako sa tabi niya tumabi. Doon kami naka-upo sa pangdalawahan na seat sa bus (kasi may pangtatluhan diba?) Tapos inaya namin si Panget na tumabi rin sa'min para mas masaya. Doon siya umupo sa upuan sa gitna, yung natitiklop.
Si Panget nanonood lang ng movie sa psp niya. Nakikinood din ako kaso ang boring ng movie na pinapanood niya kaya nakipagdaldalan na lang ako kay Par.
Masaya naman ang biyahe namin. Enjoy talaga! Kasama ko kasi yung dalawang abnormal.
Tapos naisipan namin magpicture gamit yung SLR ko. Medyo ang hirap magselfie gamit ang SLR, ang laki kasi. Pero keri lang. Hahaha.
Pagkatapos ng bakasyon na iyon, tinignan na namin ang mga pictures namin.
May napansin kami sa mga pictures namin. Yung pictures namin dun sa bus na nagseselfie kami.
Ang ganda na eh! Kaso may photobomber!!!! Hahahaha.
At ang nakakatawa don, hindi aksidente lang na nasama yung photobomber na yun sa picture.
Mukhang talagang sinadya niya. Kasi nakatingin siya.
Alam mo yung itsura nung gustong maki-usyoso sa picture? Syempre matataas yung sandalan ng upuan sa bus. So ginawa niya, inangat talaga niya yung ulo niya para makita siya sa cam..
Hahahaha. Natawa na lang kami pero iisa ang nasa isip naming tatlo nung makita namin 'yon.
Iniisipan na naman kami ng masama nung taong 'yon. Hahaha. Kilala kasi 'yun sa pagiging pasimpleng chismoso.
Oo, lalaki siya. Hihi.
BINABASA MO ANG
Kwentong Barbero (Barber's Story)
Random"Magtae ka sa inggit!" Kwento ng kalokohan, kadramahan, kaartehan, kakulitan, kapasawayan, katinuan (kung meron man), ka-engutan, kabobohan, kabaliwan, kalungkutan, kaligayahan, electric fan, pakwan, dustpan, leche plan ni Invi. Basahin mo na, baka...