Masyado akong attached sa mga barkada ko. Sobra talaga. Mahal na mahal ko kasi sila.
One day, isang araw, I decided, nagpasiya ako na hindi muna sila kausapin. Sila? Si Par at si Panget. Dalawang barkada and BFF ko.
Natiis ko ng isang linggo kahit na nangungulit si Par. Bakit hindi daw ako nagpaparamdam ganito ganyan. Sanay kasi kami na nag-uusap gabi gabi. As in usap ng bongga til midnight.
Tapos kinausap ko rin sila after one week. Pero hindi na araw-araw. Twice a week siguro.
Tas one time, pagka-open ko ng IG ko. May noti. Minention ako ni Par sa isang quotes.
Ito nakalagay:
I miss those
late night conversations
I miss the time when
we could talk for
hours
I miss sharing everything
And now it feels like
we are just killing
the time
together.
Ang sweet no? Tagos yun. Kahit pa quotes lang 'yon pero alam na alam kong 'yon talaga ang gusto niyang sabihin. Na-tats ako don.
Mas nafeel ko kasi na mahalaga ako sa kanya bilang bespren. Sobrang nagkakasundo kasi kami sa maraming bagay. At talagang kilala at naiintindihan nila ko kaya sobrang na-appreciate ko sila.
Si Panget din, minsan niya kong natats. Magka-chat naman kami non sa FB.
Ito sabi niya:
namiss kita , bat ngayon ka lng nagparamdam ? :3
Ang sweet no? Hihi.
Wala man akong lovelife. Pinagpala naman ako sa mga kaibigang sweet. Haha.
Yan ang prengship! Napapahalagahan ka. Pahalagahan mo rin ang mga kaibigan mo. ;-)
BINABASA MO ANG
Kwentong Barbero (Barber's Story)
Casuale"Magtae ka sa inggit!" Kwento ng kalokohan, kadramahan, kaartehan, kakulitan, kapasawayan, katinuan (kung meron man), ka-engutan, kabobohan, kabaliwan, kalungkutan, kaligayahan, electric fan, pakwan, dustpan, leche plan ni Invi. Basahin mo na, baka...