Chapter 38

4.1K 34 0
                                    


After almost like eternity ay dumating din sila sa klinika ni Dr. Alliana. Ginising muna ni Doc si Yashi, talagang nakatulog siya dahil sa pagod.

  "We're here sweety." Mahinang saad nito sa naalimpungatang dalagita. Nagpalinga-linga siya sa paligid tsaka naghikab.

  "Ay, sorry poh Doc." Nasabi niya nang mapansing nakasandal pala siya sa balikat nito.

  "It's okay, iha. Tayo na." May ngiti sa labing sabi nito.

Pagkapasok sa loob ng clinic ay agad siyang pinahiga ng doktora sa hospital bed. Nang maihanda na ang ultrasound ay tinapat sa puson niya ang apparatus na nakakonekta sa maliit na TV sa may kanan niya.

  "Oh my! Yashi, nakikita mo na ang nakikita ko?" Napapasinghap na saad ni Doc, hindi binibitawan ng tingin ang monitor.

  "Ang alin po Doc?" Takang napatingin rin siya sa tinitingnan ng babae.

  "Two hearts beating iha!" Bulalas ng doktora. Napabaling ang tingin niya rito at nakita niya ang gulat sa mukha nito.

  "Sweety, kambal ang baby mo. And thanks heaven coz they are fine." Masayang niyakap siya ng doktora. Nakanganga naman siya habang pino-proseso ng utak niya ang sinabi ng doktora.

  "Sweety, are you okay?" Nag-aalalang tinapik ng babae ang kanyang pisngi.

  "Ahm. Kambal po? Kambal... Waaahhh!" Tuluyan na siyang ngumawa sa harap ni Dr. Alliana.

  "Doc, lalo po akong nagi-guilty. Dalawang buhay ang ililihim ko kay kuyaa.." Umiiyak sa magkahalong saya at guilt ang dalagita.

  "Tahan na, iha. Kung gusto mo tutulungan kitang magpaliwanag sa kanya. Hanggang mag-eighteen ka lang naman itatago ang baby." Alo nito sa kanya. Tumigil bigla sa pag-iyak ang dalagita at tinitigan ang doktora.

  "Sweety, hindi ko aangkinin ang bata. Kukunin ko lang sandali at aalagaan para sayo. Pagdating ng tamang oras, ibabalik ko din sila sayo." Pagpapaunawa nito sa kanya. Hinahaplos haplos nito ang kanyang buhok.

  "Sana ekaw nalang ang Mom ko." Nasambit niya bigla. Nagulat rin ang doktora sa sinabi niya.

  "Iha, wag mong sabihin yan. I'm sure mahal na mahal ka rin ng parents mo." Seryosong saad nito.

  "Sorry po Doc. Nagtatampo lang kasi ako samin. Imbes na sila ang sumusupurta sakin, ibang tao pa ang gumagawa nun.." Nagtatampong hayag ni Yashi. Nakaupo na siya sa hospital bed.

  "Baka kasi di mo lang sila binigyan ng pagkakataong damayan ka, iha. Halos lahat naman ng magulang ay over protected sa mga anak nila-"

  "Hindi po ganun si Mom, Doc. Sarili lang niya ang iniitindi niya. Tingnan mo po, mag-isa lang poh kayo, walang kasamang asawa at anak pero single parin poh kayo. Eh, si Mom, may dalawa na ngang anak. Di pa makuntento, naghahanap pa ng lalaking magpapaligaya sa kanya sa kama."

  "Abat, batang to. Wag kang magsalita ng ganyan sa Mom mo. Nanay mo parin siya, iha. Kung di dahil sa kanya, wala ka rin dito sa mundo. Hayy, ano bang klaseng pagpapalaki ang ginagawa sayo ng parents mo?" Sermon ng doktora sa kanya.

  "Paglandi lang po natutunan ko. Pwede po bang ekaw nalang maging second Mom ko?" Biglang hiling ng dalagita sa babae. Napanganga ito, di makapaniwala sa sinabi niya.

  "Sige na poh Doc. From now on ay tatawagin na po kitang Mommy Doc. Hehehe." Pinal na sabi ng dalagita. Napailing na napapangiti nalang ang doktora.

  "Sige iha, I'll let you call me Mommy Doc pero sa isang kondisyon." Pagpayag nito.

  "Ay thank you poh Mommy Doc! Kahit ano poh gagawin ko." Masiglang wika niya.

  "Just always think positive, sweety. Continue your studies after giving birth, ang pursue your dreams. Ano ba ang pangarap mo iha?" Parang nanay na pangaral nito sa kanya.

  "Ni minsan po, hindi naitanong ni Mom kung ano nga ba ang pangarap ko Mommy Doc." Imbes ay sagot niya, unti unti na siyang napapaluha. Naawa namang inalo siya ng doktora. Hinahod nito ang likod niya.

  "Sweety, ang mga magulang hindi naman lahat perpekto. May mga irresponsible ring mga magulang." Napapasang-ayon narin ang doktora sa dalagita.

  "Enough of this sentiments, inom ka na ng vitamins at magpahinga. Nagkaroon ka ng false alarm pre-miscarrage." Iginiya siya ng doktora sa labas, nasa kabilang kalsada lang kasi bahay ng doktora.

Walking distance lang ang layo ng clinic sa bahay ni Dr. Alliana pero di siya hinayaan ng doktora na maglakad.

  "Now sleep and rest. Nagsisimula ka palang sa new episode ng buhay mo, at ng babies mo." Nakangiting kinumutan siya ng doktora. Tapos na siyang uminom ng vitamins niya at talagang sobrang antok na siya.

Finally, she can have all the rest she wants. No school, no projects, no assignments, no exams.

And no more hiding everyday..

"Untamed Passion"Where stories live. Discover now