Chapter 41

3.9K 32 0
                                    


Maaga pa lang ay gumising na si Yashi para asikasuhin ang mga baby niya. At syempre, pagkatapos niyang maligo, mag-almusal at magbihis ay ibinaba na niya ang mga anak sa may play room. Katabi lang ng entertainment room ang ginawa nilang play room.

  "Baby Blaze, ang heavy mo na." Sabi niya tsaka pinanggigilan ang pisngi ng bata.

  "Mga anak, wag niyong pahirapan si Ms. Luna ha? Baka di na kayo i-babyset next time. May lakad kasi si Mommy kaya siya muna mag-aalaga sa inyo. Behave twins ha? Bili ko kayo ng pasalubong.." Napatigil sa pagsasalita ang dalagitang may kambal na ng masulyapan si Dr. Alliana sa may bungad ng pinto.

  "Mommy Doc! Kanina pa po ba kayo dyan?" Medyo nagulat na sambit niya.

  "Kung kausapin mo tong mga anak mo Yashi. Iisipin ng ibang tao na five years old na sila.." Nakahalukipkip na sabi nito tsaka siya pinagmasdan ng maigi.

  "Hm. At saan naman ang lakad natin iha? Ang aga naman yang parting dadaluhan mo." Sabi nito pagkatapos sipatin ang ayos niya.

  "Ay, hindi po party Mommy Doc. Magkikita po kami ng friend ko, si Anne. Baka makahabol pa ako sa entrance exam ng university na pinapasukan niya." Paliwanag niya. Tumaas lang ang isang kilay ng doktora.

  "Ganun ba? Akala ko kasi party ang pupuntahan mo. Ang sexy at ang ganda natin ah. Entrance exam ba oh male hunting ang pupuntahan mo dun?" Himig may paninita ang boses nito.

  "Oi si Mommy Doc. Over dressed po ba ako?" Tanong niya sabay tingin din sa sariling ayos.

  "Ah, hindi naman. Mukha ka lang a-attend ng beauty pageant sa ayos mo. Gusto mo na talaga ipakita sa madla kung gaano ka nagpa-sexy ah?" May pagka sarkastikong turan ng doktora.

  "Kayo talaga Mommy Doc, hehehe." Lalong nainis ang babae ng tumawa pa siya.

  "Di naman kita masisisi kung maghanap ka na ng ipapalit mo sa Daddy ng twins. Pero-"

  "Poh? Naku Mommy Doc, mali poh kayo ng iniisip. Kahit si Lee Min Hoo pa mismo ang manligaw sakin or kung sino mang sikat na kpop ngayon. Hinding-hindi ko po ipagpapalit si kuya. Aba, di hamak na mas gwapo sa paningin ko si kuya kesa sa mga retokadang Korean na yan, hmp!" Pagmamalaki pa niya.

  "Dinamay mo pa pati lahi ng mga KPOP... Oh sige na, basta utak ang puhunan at gagamitin hindi ganda at kaseksehan.." Pangaral ng doktora.

  "I know po Teacher Doc!" Masiglang sabi niya tsaka humagikhik.

  "Wag na po kasi kayo mag-worry. Hindi ko po sasayangin lahat ng paghihirap ko para lang sa wala. At si kuya, kahit di na po yon nagpaparamdam.. Mahal na mahal na mahal ko pa rin po siya. Kundi dahil sa pagmamahal ko sa kanya, wala po ako ngayon dito Mommy Doc.." Naluluhang sabi niya. Na-alarma naman ang doktora ng makita ang reaction niya.

  "Sweety, masisira yang make-up mo. Oo na oo na, ekaw na ang pinaka loyal at faithful na Mommy. Good vibes dapat palagi iha. Fighting!" Sabi nito at tinaas pa ang kamao sa ere. Tinakbo naman siya ng dalagita at niyakap.

  "I love you po Mommy Doc.. My guardian Angel, hehehe." Lambing niya sa babae habang yakap-yakap ito. Napabuntong hininga na lang ang doktora.

  "Always hard siguro ang bf mo iha. Kung ganyan ka ba naman kalambing..-"

  "Ay, tama poh! Laging tinitigasan yon, bihira lang poh lumambot." Sabi niya at sinabayan pa ng hagikhik.

  "Tsk. Tsk. Pati ako nagiging green sayo. Oh sige na, tingnan mo yang baby girl mo. Kanina ka pa tinitingnan oh.." Sabay nguso nito sa anak niyang nakamasid sa kanila. Tinungo naman niya ang bata at pinaghahalikan sa buong mukha pati liig.

  "Dha-dha.." Sambit ng baby.

  "Baby Miracle, bakit lagi kong naririnig sayo ang Dha-dha na yan ha? Oh, paalam na mga baby ko." Tsaka niya binuhat si Baby Blaze pinaghahalikan rin sa mukha pero iniiwas nito ang mukha sa kanya.

  "Ay, suplado naman nitong bata. Sige ka wala kang pasalubong sakin mamaya." Pananakot pa niya sa bata. Bigla naman itong nangunyapit sa liig niya at niyakap siya.

  "Oi biro lang baby ko.. Hehehe." Pagkatapos halikan sa noo at pisngi ang twins niya ay inihabilin na niya ang mga bata kay Ms. Luna.

Si Luna ay anak ng katiwala ng bestfriend ni doktora kaya tiwala siya sa dalaga na i-babyset ang twins niya. Twenty one palang ito at dalaga pa. Pagkatapos ng mahabang habilinan ay lumabas na sila ng mansyon ng doktora. Inihatid siya ng driver ng babae, si Dr. Alliana naman ay naglakad lang papunta sa klinika nito..

"Untamed Passion"Where stories live. Discover now