Chapter 58

4.4K 34 12
                                    


  Napalingon si Yashi nang bumukas pabalibag ang pinto ng kanilang kuwarto ni Alvin. Nakaupo siya sa may dresser niya habang hinihintay ang nobyo, quarter to ten o'clock na ng gabi. Ang di maipintang mukha ng lalaki ang bumungad sa kanya. Kanina pa siya di mapakali simula nang umalis ang mag-aama para ayusin ang anumang gulo sa office nina Alvin na kumakalat daw na tsismis.

  "What the hell is the problem of your psycho sister?!" Pinagtangkaan ka nga niyang patayin, she wanted to ruin me too?! Ganyan ba ang klase ng kapatid na ipinagtatanggol?" Dumagundong na ang boses ni Alvin sa buong kuwarto nila. Buti nalang naisipan kunin ni Doctora Lana ang mga bata kanina kundi baka nagulantang sa gulat at pagkatakot ang kambal sa lakas at galit na boses ng ama ng mga ito. Nahulaan siguro na mangyayari ang ganitong pagtatalo.

  "Kung ba't kasi ayaw mo pang magpakasal na tayo? Ano pa bang hinihintay mo Yashi ha? Gumaling ang baliw mong kapatid? Para ano? Para mapagtangkaan niya ulit ang buhay mo at tuluyan na tayong siraan? Oh baka naman ito talaga ang gusto mo para kayo ni Jet ang magkatuluyan?" Puno ng poot ang mga mata ng lalaki habang binibigkas ang pinaka huling pangungusap. Pinaghalong poot, galit at pagka dismaya ang mababanaag sa mukha ng nobyo.

  "Hindi yan magagawa ni Ate..." Tanging nasabi niya sabay napapailing. Kung ganun si Ate Yasmin pala ang gumawa ng tsismis sa office nila Alvin. Hindi kayang tanggapin ng isip at puso niya ang balitang yon.

  "The fuck!! Sige ipagtanggol mo pa yang psychotic sister mo. Kung gusto mo magsama na kayo at dun ka na rin tumira sa mental hospital. I'm tired.. Lage nalang kita iniitindi Yashi. Eh ekaw, kelan mo ba ako initindi? Isa lang naman ang hiling ko sayo, ang magpakasal ka na sakin para masiguro kong akin ka na talaga.. Pero mukhang hindi na mangyayari yon. Maybe hanggang dito na lamang ang kaya mong ibigay.."

  "Kuya-hubby..." Akmang tatayo siya nang pigilan siya ng nobyo.

  "Stay there. I'll leave. The company needs me. My dad was right after all. You're too young for me.." Napalitan ng lungkot ang mukha ng lalaki.

  "Kuya-hubby naman eh..." Wala siyang masabi. Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin sa nobyo. Unti-unti na siyang napahikbi nang ma-process ng utak niya ang ibig sabihin ng lalaki. Aalis na ito. Lalayo.

  "Hush, don't cry.. Kahit na may record akong heartbreaker image. Wala pa kong minahal na babae maliban sayo Yashi. You know how much I love you.. Unlike you, hindi mo maibigay sakin ng buo ang pagmamahal mo.."

  "Mahal naman kita Alvin... Ikaw din ang first ko sa lahat." Humihikbing nilapitan niya ang nobyo at akmang yayakapin nang pigilan na naman siya nito.

  "Don't come any closer please. You choose Yasmin over me despite what she did to you.. To us. If you are not yet ready for this relationship, stay where you are. I think we need space." Yon lang at walang lingon likod lumabas na ito ng kuwarto.

  Nakatanga lamang siyang sinundan ng tingin ang nobyo hanggang sa mga yabag lamang nito ang naririnig niyang papalayo sa kanya. Hindi niya napigilan mas lalo mapahikbi nang hindi na niya naririnig ang mga yabag ng nobyo.

  Nanghihinang napaupo siya sa katabing single sofa at pumikit ng mariin. She wanted to shout out loud. Very loud hanggang sa mawalan na siya ng tinig. But her mind stopped her from doing so because in her inner mind and heart, it was also her fault. Or maybe not.

  Mali ba ang desisyon niya?
Gusto lamang niya itama ang lahat bago siya magpakasal sa pinakamamahal niyang si Alvin. She loves him so much. So much that now he was gone, she felt like her own world crushed and broke into pieces..

  "But he said space. So he's not breaking up with me. I just need to prove him how much I love him. Kung kelangan kong magmakaawa gagawin ko. Para sa mga anak ko, I'll fight for him. At para sa puso kong mamamatay yata pag iniwan mo ko ngtuluyan Alvin, hubby ko..." Sa isip niya habang nakapikit at naglalandas ang mga luha sa pisngi niya.

  "Sige Hubby, bibigyan kita ng space na sinasabi mo. Pero hinding-hindi kita isusuko nang ganun na lamang. I'll give you a month para maayos ko narin ang issue namin ni Yasmin.. Wag na wag ka lang magkakamaling mambabae kundi naku! Lagot yang titi mo sakin Alvin ka." She said with determination...

"Untamed Passion"Where stories live. Discover now