Hospital part 1:
Mahapdi, kumikirot at namamanhid ang katawan ni Yashi. Sandali niyang pinakiramdamn ang sarili.. Mahapdi ang bandang tagiliran niya sa kaliwa, kumikirot ang ulo niya at pakiramdam niya namamanhid ang buong katawan niya. Hindi siya makagalaw.
Sinubukan niyang imulat ang mga mata pero parang kay bigat ikurap ang mga ito. Nauuhaw siya, gusto niya ng tubig pero hindi siya makapagsalita. Ang tanging nagpa-function lang ngayon ay ang kanyang mga pandinig. Dahil dinig na dinig niya ang familiar na mga boses.
"This is all my fault. Ako dapat ang sisihin kaya nakaratay ngayon dyan ang anak ko. Kundi sana ako naging unfair kay Yasmin.." Narinig niyang sabi ng Mama niya. Mukhang kanina pa ito umiiyak dahil namamaos na ang tinig nito.
"Mali naman talaga yang pagtrato mo sa kanila ng di pantay. Unfair yon sa panganay mo Mrs. Villanueva.."
"Mom." Narinig niyang pigil ni Alvin sa Mommy nito.
"Alam ko.. Akala ko kasi wala lang yon kay Yasmin. Di naman siya nagrereklamo.." Gumaralgal na ang boses ng Mama niya.
"Kahit di kumikibo yon, parang mamamatay yon sa sama ng loob. Baka mga sinubukan na nun magpakamatay or iniisip pa lang. Ekaw ang unti-unting gumagawa ng poot sa pagkatao ng panganay mo. Hindi siya mapupuno ng insecurities kung pantay ang pagtrato mo sa kanila ni Yashi." May pagka-tono sermon na sabi ni Dra. Alliana sa Mama niya.
"Tama na Mom. Tita, you need some rest poh.. Ako muna ang bahala kay Yash.." May pag-alalang sabi ng nobyo niya.
"I'm okay. Gusto kong bantayan ang baby Yashi ko.." Halatang pinipigilan ng Mama niya ang mapahikbi nang haplusin nito ang pisngi niya.
"I have to go anak. Marami akong naiwang pasyente sa clinic eh. Mrs. Villanueva.." Paalam ng Mommy ni Alvin. Pagkatapos narinig niya ang mga yabag nito paalis.
"Alvin, marami ka pang dapat ipaliwanag sakin. Nagsasama na pala kayo ng anak ko nang wala man lang akong kaalam-alam.. Pero hindi muna kita sisingilin ngayon. Seryosong saad ng Mama niya sa binata.
"Handa naman po akong magpaliwanag at sagutin lahat ng gusto ninyong malaman Tita. Basta ang masasabi ko lang poh, mahal na mahal ko po ang anak ninyo. Whatever happened in the past, sana kalimutàn na natin yon. Si Yasmin..-
"Was your ex.. But you still had the gut to court the younger one after breaking up with Yasmin." Putol ng Mama niya sa binata.
"Tita. I did that because we don't have any serious relationship. Si Yash ang gusto ko so nakipag break ako kay Yasmin. Wala naman sigurong masama if I followed my heart.. Malinis poh ang intention ko kay Yash. I really love her Tita.."
Parang tumambling ang puso niya dahil sa confession ni Alvin sa Mama niya.
"But the fact was, tinuhog mo parin ang magkapatid Alvin. At isa rin yan sa reason kung bat lalo nagalit si Yasmin kay Yashi.."
Narinig niyang huminga ng malalim ang binata. Mukhang nagpipigil narin ito na may masabi sa Mama niya. Kaya kahit hirap siya ay nagpumilit siyang igalaw kahit man lang ang kamay niya.
"Sweetheart!" Sambit ni Alvin sa kanya at narinig niya ang mga yabag nito papalapit sa kanya. Naramdaman niyang ginagap nito ang isang kamay niya, kasabay ng paggagap naman ng Mama niya sa kabilang kamay niya.
"Anak, I'm here..." Sabi ng Mama niya habang pinipisil ang isang palad niya.
"Sweetheart.." Pabulong na sambit ng binata habang hinahaplos naman ang isang kamay niyà.
Nang subukan niyang imulat ang mga mata niya ay unti-unti siyang nasisilaw sa liwanag ng paligid, ikinurap niya ang mga mata at nakita niyang nasa isang puting kuwarto siya.
"Yash? Sweetheart.. Thank god you're finally awake!" Naibulalas ng binata pagkasalubong ng mga mata nila. Agad siya nitong niyakap ng mahigpit at pinaghahalikan ang buong mukha niya.
"Ano'ng masakit sayo sweetheart? Tatawag ba ako ng doktor?" Tarantang tanong ni Alvin.
"Uhm, Alvin iniipit mo ang anak ko." Nasabi ng Mama niya.
"Oh! Sorry Tita.." Nahihiyang binitiwan siya ng lalaki at agad naman pumalit ang Mama niya at niyakap din siya pero marahan lang hindi kagaya ng binata kanina.
YOU ARE READING
"Untamed Passion"
General FictionNaalimpungatan si Yashi ng may maramdamang mainit na kamay sa may puson niya pababa sa kanyang panty, ipinasok nito paloob. "You're already wet sweetheart." Bulong nito sa tainga niya nang makapa ang hiwa niyang basang-basa na. "Wet dreams sweet...