Chapter 51

3.6K 31 1
                                    


Home of Dra. Alliana...

  "Alvin hahayaan ko muna dumito si Yashi dahil kay Yasmin. Mas safe siya rito." Sabi ni Mrs. Lucille pagkapasok nila sa loob ng mansyon ng doktora.

  "Maalagaan din po siya rito Tita." Saad ni Alvin.

  "Parang sinasabi mong hindi ko siya inaalagaan Alvin." Taas ang isang kilay na sagot ng ginang.

  "Mom, please.. Gusto ko na po magpahinga." Sabad ni Yashi sa dalawa.

  "Alright baby.. Let me hug you.." Ani ng Mama niya tsaka siya niyakap at hinagkan sa magkabilang pisngi. Gumanti din siya ng yakap rito. Sa wakas, after one and a half year nayayakap na niya ang ina.

  "I missed you Mom. So much.. I'm sorry kung minsan nakakapagsalita ako ng di maganda tungkol sayo. Alam niyo naman anak ninyo, may pagka-immature hehehe." Sabi niya sabay amoy sa buhok ng Mama niya.

  "Hmm... Ang bango niyo po talaga Mom!" Inamoy-amoy pa niya ang buhok nitong hindi umabot sa balikat nito. Medyo nakayuko siya dahil 5'2" lang height ng ginang.

  "Batang to oo. Wag mo nga akong paiyakin anak." Sabi nitong hinahaplos ang buhok niya.

  "Um. Love you po Mom!" Lambing pa niya rito.

  "Oh.. I love you too anak. Ang baby ko, naglalambing..." Napapangiting ganti ng Mama niya.

  "Anak, may napansin nga pala akong singsing sa ring finger mo kanina." Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at inabot ang kamay niyang may emerald ring.

  "Uhm. Mom.. Ah, ano.. Nung highschool pa lamang ako, may nagregalo sakin niyan." Ngiwing sabi niya sa ginang. Nagsalubong naman ang kilay ng ina.

  "Hindi si Alvin? Eh bakit suot-suot mo parin?" Curious na tanong ng Mama niya.

  "Di po kasi matanggal. Nung pilitin kong tanggalin nagkasugat tong daliri ko." Hindi makatingin sa inang sagot niya.

  "Alam mo ba kung ano'ng ibig sabihin niyan anak?" Napapantastikohang tanong ng ginang.

  "Huh? May ibig sabihin po to Mom?" Clueless na turan niya.

  "Kung sino man ang may-ari niyan, matagal ka nang itinali. Paano ka magpapakasal  kung andyan yan? Hindi babasbasan ng pare ang kasal kung may hadlang agad." Naniningkit ang mga mata ng ina.

  "Uhm, di ko po alam yon Mom." Tanging nasabi niya at tinitigan ang singsing. Pero agad din nanlaki ang mata niya nang ma-proseso ng utak ang sinabi ng Mama niya.

  "Ano? Wahhh!! Kuya pano na to? Di ba- di ba pakakasal pa tayo? Paano na to..?" Parang siyang batang maiiyak habang naghihintay ng sagot kay Alvin...

  "Mom... Uhm..."

"Tita, let me explain-"

  "Aba, dapat lang!" Putol ni Mrs. Villanueva kay Alvin. Napaigtad naman si Yashi sa pagtaas ng boses ng Mama niya.

  "Mrs. Luna, dalhin mo muna si baby Blaze sa playroom." Utos ni Alvin sa dalaga. Agad naman nito kinuha kay alvin ang bata.

  "Da-da!" Pumalag ang bata at pilit na inaabot ang ama.

  "Baby Blaze, wag matigas ang ulo, okay?" Sabi ng binata rito at hinaplos ang pisngi ng bata. Ngumuso ang bata, pero ng hagkan ng ama ang ulo nito ay ngumiti na ang baby boy niya.

  "Goodboy." Ginulo muna ng binata ang may kakapalang buhok ng anak at dinala na ito ni Ms. Luna sa playroom.

  "I'm thirsty Alvin. Pakikuha ng tubig." Agad na sabi ng Mama niya ng makaalis na ang bata at yaya nito. Umupo ang ginang sa single sofa na katabi lang nilang dalawa. Tiningnan naman niya ang lalaki, nakakaitinding iniwan naman sila nito.

  "Yashi.. Alam mo ba kung ano ang nararamdaman ko ngayon?" Simula ng Mama niya.

  "Mom..."

  "Pakiramdam ko,napakasama ko at napaka irresponsible na magulang. Saan ba ako nagkulang anak?. Hindi ko ba naibibigay ang mga luho mo anak ha? Kung sa isang public school ka nag-aral, dahil yun sa kagustuhan mo at hindi dahil di ko kaya. I can afford kahit saan mang private school na maibigan mo anak.." Huminga muna ng malalim ang ginang tsaka nagpatuloy.

   "Lahat ng luho mo anak, kapag kaya ko, binibigay ko sayo.. Kulang pa ba? Oh ang binibigay kong attention ang kulang? Sumagot ka.."

  "Mom!" Nagsimula na siyang humikbi na nauwi sa pag-iyak. Nasasaktan siya habang nakikita ang Mama niyang mukhang disappointed at puno ng hinanakit na nakatingin sa kanya.

  "I'm so sorry Mom.. Ako po ang nagkulang sa inyo. Naging selfish ako dahil sa sobrang pagmamahal ko kay kuya. Baka-baka po kasi idemanda ninyo siya pag nalaman po ninyong nabuntis ako sa murang edad-"

  "At mas nag-alala ka pa sa lalaking yon kesa sa mararamdaman ng sarili mong ina, ha Yashi?" Tinuyo ng ginang ang di napigilang luha na dumausdos sa magkabilang pisngi nito.

  "I'm sorry po Mom. Sana po- sana po mapatawad ninyo ako.. Kami ni kuya.." Lumuluhang turan niya. Hindi makatingin ng deretso sa mata ng ina...

"Untamed Passion"Where stories live. Discover now