Chapter 47

3.9K 32 0
                                    


  "What's wrong sweetheart?"

Boses ni Alvin ang nagpabalik kay Yashi sa pagkatulala. Katatawag lang ng Mom niya at sinabi nitong wag na muna siyang umuwi. Malungkot niyang nginitian ang binata. Kunot-noo itong lumapit sa kanya.

  "Si Mom, di man lang ako namimiss. Sa tuwing tatawag ako sa kanya, lagi nalang nagmamadali sa pagsagot at sasabihing wag muna ako umuwi." Matamlay niyang wika.

  "Sweetheart, hayaan mo na. I'm sure may dahilan si Tita kung bakit ayaw ka pa nun pauwiin." Tumabi ito ng upo sa kanya. Nasa playroom sila at binabantayan ang mga anak niya.

  "Eh, namimiss ko na siya kuya. Sila ni Ate..." Malungkot na sabi niya. Tumikhim naman ang lalaki pagkarinig sa salitang 'Ate'.

  "Bakit kuya?" Takang tanong niya.

  "Uhm, wala." Tipis nitong sagot. Parang may dumaang anghel sa pagitan nila. Walang gusto magsalita.

  "Oh, bakit parang mga biyernes santo yang mga mukha niyo?"

Sabay silang napalingon sa pinto ng playroom.

  "Mommy Doc.. Ang aga niyo poh." Saad niya. Alas dos palang kasi ng hapon, and usually, until five PM ang out  ni Dr. Alliana.

  "May naiwan kasi si Alvin sa clinic. Dinala ko lang rito baka importantante." Sagot ng doktora at pinakita sa kanila ang blue na plastic envelope. Nanlaki naman ang mga mata ng binata pagkakita sa dala ng Mommy nito.

  "Mom!" Agad na napatayo si Alvin at sinalubong ang Mommy nitong papalapit sa kanila.

  "Mom naman eh! Binuksan niyo po ba?" Tarantang kinuha ng lalaki ang plastic envelope sa ina.

  "Huh? Hindi ko binuksan anak. Tika, ano bang merun dyan?" Na-curious tuloy ang doktora dahil sa inakto ng anak nito.

  "Surprise ko sana to kay Yash Mom.." Bulong ni Alvin sa ina nito. Napatangutango naman ang babae kahit di masyadong naintidihan ang ibig sabihin ng binata.

  "Ano'ng nangyari dun?" Nasambit ni Yashi nang walang paalam na lumabas ang binata sa playroom.

  "Ewan ko. Parang nakita ng multo, hehehe." Nangingiting sabi ng doktora. Nilapitan nito ang mga apo na naglalaro ng Lego House.

  "Ang bango-bango mo naman Miracle." Saad ng doktora at inamoy-amoy ang buhok at liig ng bata. Humagikhik ang bata ng makiliti ito.

  "Lala." Sambit ni Miracle.

  "Ano daw? Tinawag na niya akong lola!" Kulang nalang magtatalon sa tuwa ang doktora sa saya. Siya naman ay napanguso lamang.

  "Oi Miracle, galit ka ba kay Mommy? Bakit ako lang ang di mo tinatawag?" Parang batang turan niya sa anak na babae. Nginitian lang siya ng bata.

  "Baka di lang niya mabigkas yong Mommy." Alo naman sa kanya ng doktora.

  "Puwede naman po kahit 'Ma' nalang. Sige hanggat di mo ko tinatawag na Mommy, magtiis ka muna sa bottled milk. Di kita padidin, hmp!"kausap niya sa baby girl niya.

  "Para kang bata, iha. Ang sabihin mo, si Alvin lang gusto mong padidiin dyan." Nakaismid na wika ng doktora.

  "Mi-mi!" Biglang sambit ni Baby Blaze sa kanila. Nagkatinginan sila ni Dr. Alliana tsaka siya nagtitili.

  "Waahh!! Thank you Baby Blaze!" Sigaw niya sabay karga sa baby boy niya.

  "Mi-mi! Mi-mi!" Inulit-ulit pa ng batang lalaki ang pagtawag sa kanya. May sumungaw na mga luha sa kanyang mga mata.

  "Woohh!!" Nagpatalon-talon na sigaw na naman ni Yashi.

  "Hoi Yashi, tinatakot mo yang anak mo. Baka isipin niyan may nanay pala siyang baliw." Sermon ng doktora. Natigil naman siya sa pagtalon-talon.

  "Ay grabi naman si Mommy Doc. Masaya lang po ako..." Nakanguso na naman sabi niya tsaka binaba ang anak niyang nakatingin lang sa kanya.

  "Hahh.. Bakit parang lalo kang bumibigat baby Blaze?" Hingal na sabi niya nang mailapag na ang anak niya.

  "Mommy Doc, sign na ba ito ng pagtanda ko? Madali na akong hingalin eh." Tanong niya sa doktora pero nasa anak ang atensyon.

  "Oo. Edad mo lang yata ang tumatanda." Nakahalukipkip nitong sagot.

  "Talaga po? Hindi po ba tumatanda ang katawan at mukha ko?" Masiglang tanong niya rito.

  "Immature ka parin." Bulong ng doktora.

  "Poh? Pero kelangan ko yata magsimulang mag-exercise. Baka mamaya niyan di ko na sila kayang kargahin.."

  "Natural, lumalaki na yang mga apo ko. Tsaka kulang pa ba exercise na ginagawa niyo ng anak ko araw araw?" Sabi nitong binulong lang yong huling salita.

  "Mommy Doc, may kausap po ba kayo dyan na hindi ko nakikita?" Natanong niya ng mapansing madalas na pagbulong ng doktora. Napatalon naman ang babae.

  "Batang to, aatakihen ako sayo! Hala sige balik na ako sa clinic." Paalam na agad nito tsaka lumabas ng playroom.

  "Eh? Ano'ng nangyari sa mag-inang yon?" Takang natanong na lamang niya.

  "Mi-mi..." Tawag na naman sa kanya ng anak na lalaki.

  "Aww. I love you baby Blaze. Hayy.. Saying at hindi muna niyo makikita si grandmama Lucille ninyo.. Si Mom.." Nalulungkot siya sa isiping matagal pa ang hihintayin niya bago niya maipakilala ang twins sa kanyang ina...

Pero one of these days.. Bibisitahin niya ang Mom at ate niya...

"Untamed Passion"Where stories live. Discover now