xviii.

37 2 0
                                    


NAGISING SI CARLOS nang balot ng pawis. Tinanggal niya ang kumot na nakapatong sa kaniyang katawan at hinubad ang t-shirt na suot. Pinunasan niya ang kaniyang katawan. Kinuha niya ang tubig sa gilid ng kama at uminom.

Huminga siya nang malalim.

Tulog pa ang tatlo niyang roommate. Mabuti na lang. Ayaw niyang kausapin ang tatlo kapag aalis na siya. Hindi naman sila malapit sa isa't isa.

Bumangon siya. Kailangan pa niyang iligtas si Manang sa lalong madaling panahon.

Naligo siya nang mabilis. Nagsuot siya ng kumportableng maong pants, isang manipis na itim na t-shirt, at ang sapatos na bigay ni Yang. Ipinaibabaw niya ang asul na jacket. Isinabit niya sa belt ang bolo.

Nagtataka siya kung bakit hindi nakikita ng mga tao na may isang malaking bolong nakasukbit sa kaniyang pantalon.

Binibit niya ang bag. Ginala niya ang mata sa paligid ng kwarto.

Mukhang matagal pa bago siya muling makabalik dito.



NAKABUSANGOT SI YANG nang makita si Carlos.

"Ang aga-aga, ang sungit mo kaagad," maligayang pagbati ni Carlos sa babae.

Nakaupo sila sa harap ng gazeebo na malapit sa Fertility Tree. Kayumanggi ang kulay ng pintura at naka-tiles ang sahig. May mga dumaraang mga estudyante na papunta sa Carillon Tower upang mag-ensayo.

Nakasandal si Jensen sa isang poste, tahimik na nakatingin sa babae. Bagong ligo ito at nakapagpalit na ng panibagong damit. Sinuot nito ang biniling Lee t-shirt sa ibabaw ng army jacket nito, at naka-maong pants at pang-hiking na sapatos. Nasa paanan niya ang nakatakip na basket, pero may mga dahon sa itaas ng tela.

Nakaupo naman si Yang sa maliit na hagdan ng gazeebo. Walang pinagbago sa suot nitong pulang hoodie at ripped jeans. Nasa tabi nito ang isang backpack.

Natuwa naman si Jensen nang makarating siya.

"Promise, mamatay ka sa pagkabagot sa kanila," balita nito. "Pero shit, sobrang ganda. Parang hotel."

"Oo, at nangingialam ka ng gamit!" sabat ni Yang. Lumapit ito sa lalaki at kinurot ang tagiliran ng lalaki.

"Sorry na nga! OW! Pagsabihan mo nga 'tong bebe mo!" tudyo ng pulis sa kaniya.

"Wala ngang kami!" nahihiyang usal ni Carlos.

Naramdaman niyang uminit ang kaniyang pisngi. Napamura siya sa isipan. Grabe pa naman siyang mamula dahil sa maputla niyang balat.

Naglakad sila patungo sa CEC at lumusot sa loob ng Bahay ng Pahingunod upang pumunta sa isang kainan. Kilala pa ng may-ari si Yang, at nagkamustahan pa sila habang nag-oorder ang dalawa. Binigyan pa ng tita ng libreng sabaw ang tatlo. At, mura pa ang pagkain.

Pinag-usapan nilang tatlo kung anong gagawin sa Hulugan Falls.

"Nako, pakiramdam ko may ipapagawa na naman sa 'tin," reklamo ni Jensen.

Nawalan na ng gana si Carlos sa pagkain dahil sa sinabi ng lalaki. Mukha ngang ito ang mangyayari sa kanila. "At least, baka makatulong 'yung sinabi ni Maria Makiling sa 'tin."

Napasinghap ng hangin si Carlos. "Akin na lang 'yang lahat."

"Bumili ka sa bansa niyo, kano." Ngumisi ang babae.

"Ha. Nakakatawa ka talaga, sungit."

"Mga bata talaga." Humalakhak si Jensen.

Bago sila matapos kumain, ikinuwento muna ni Carlos ang napaginipan tungkol sa kakaibang nilalang. Nakinig naman ang dalawa sa kaniya. Nang matapos sa pagkukwento, si Jensen ang unang nagsalita.

Mathilda BruhildaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon