Chapter 45 ~ He's her Last

4.2K 90 11
                                    

“Anak, buksan mo itong pinto. May trabaho ka pa di ba?” Mommy Divine told her. She’s still disappointed and upset.

The door opened. Nakabihis na si Sarah at may light make-up na. Ready na syang umalis at walang balak na sabayan mag-almusal ang Mommy nya. Kinuha na lang nya ang gamit na inihanda ng Mommy nya at nagpaalam na. May kasama naman syang PSG kaya hindi na mag-aalala pa si Mommy.

On the way to the location, she received a text from Matt telling her to be strong and asking her to be more careful with her work. Paalis na kasi sya.

“Mahal, palamigin muna natin ang Mommy mo and sana hindi na makarating kay Tito yung nangyari. I’m sorry, sorry talaga.” Text message ni Matt. Hindi na napigilan ni Sarah na mapaluha. Napakabigat na sa dibdib ang nararamdaman nya. Hindi naman sya pwedeng makipagkita kay Matt kasi sure syang naibilin na yun ng Mommy nya sa mga bantay nya.

“Love, kelan ba flight mo pabalik sa Pilipinas ? Magkikita pa ba tayo ?” she replied.

“Tinawagan ako ni Tita at pinilit nyang iparesched yung flight ko. :(  Palipasin na muna natin yung init ng ulo nya. I’ll call you later kapag natapos ko na ang pag-aayos ko ng gamit ko. I love you. Alam na alam mo yan” he told her.

“Sorry ha. Sorry kasi nahihirapan ka dahil kina Mommy. Ingat ha! Tss.. Kung pwede lang na ihatid kita, gagawin ko pero bantay-sarado ako ih. >.<”

“I know how much you wanted to be with me. Hahaha. I’ll update you later. :)”

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Airport

He’s on the waiting area when he saw his fellow artists na nagkataong kasabay nya pala sa eroplano. Hindi nya inexpect na makakasabay pa nya ang mga ito kaya wala na syang nagawa kundi ngumiti na lang sa kanila at ipakitang walang problema. Para na rin sa ikatatahimik ng lahat, para wala nang lumabas na mga issues.

“Uy bro!  Anong ginagawa mo dito?” pagbati sa kanya ni Rayver nang makita sya.

“May binisita bro, (smiles)”

“Mukhang alam ko na kung sino yan. Okay naman ang pagbisita  mo? (smiles)” usisa ni Ray.

“Bitin bro! (laughs)” Totoo naman. Bitin na bitin yung pagbisita nya. At eto pa, may dala pa syang problema pabalik. Napabuntong hininga na lang sya sa pag-iisip.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

“Oh, saan ka na naman napadpad bro? Naghahanap ka na naman ng maloloko mong babae ano?” pang-aasar ni Gerald kay Ray na kababalik lang galing sa kamustahan nya with Matt.

“Naku, sa tingin mo, gagawin ko yun? Galing ako doon (points at Matteo’s direction) . Nakita ko lang si Matteo, pauwi na rin sa atin.”

“Matteo?” usisa ni Gerald.

“Guidicelli ! Sino pa bang kilala kong Matteo! Tsk Tsk!.”

It Started with a Dream (AshMatt) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon