Nagpaalam na si Sarah sa Mommy nya na may pupuntahan lang sya. Nagpasama na lang sya sa driver nila kasi wala sya sa mood na magdrive.
“Saan ka ba pupunta anak?” Mommy asked her.
“(smiles) Basta po Mommy. May aasikasuhin lang po ako. Please po My, wag nyo pong sasabihin kay Matt na wala ako dito.” She said.
Akala naman ng Mommy nya ay may surprise syang inaasikaso for Matt kaya tumango na lang ito. “Ingat! Text mo ko kung gagabihin ka.” Paalala nya.
“Yes My. (smiles)” tipid nyang sagot bago pumasok sa kotse nya.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
She’s on her way to Gerald’s house nang tawagan nya si Matt.
“Hey! At last! Naalala mo rin ako! Complete sleep huh?” he said.
“Sorry ha. Sorry na po.” She said sweetly.
“Hmmm. How can I be angry kung ganyang kasweet yung girlfriend ko? Puntahan kita mamaya, wala ka bang appointment?” he said. Di na sya kasi updated sa schedules ni Sarah.
“May meeting lang ako love, then I’ll text you kung okay na.” she said.
“Hmm. Okay. Take care love. I love you”
“I love you too.” Then she ended the call. She paused. “I’m really sorry Matt, I’m really sorry.” She told herself .
-------------------------------------------------------------------------------
[Gerald’s House]
“Welcome back iha. (beso)” Salubong sa kanya ng Mom ni Ge.
“Thank you po . (smiles) Si Gerald po?” she asked.
Tinuro lang sa kanya si Gerald na naghihintay sa may living room at parang hindi mapakali.
“Kumain ka na ba? Halika, kain ka muna bago kayo mag-usap.” Alok sa kanya. Hindi pa rin nag-iiba ang pakikitungo sa kanya ng Mom ni Ge at natutuwa naman sya doon. Pero tumanggi sya at sinabing hindi naman sya magtatagal.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
She faced him. Ang laki ng pinagbago nya. Mas nagmature sya at mas lalong naging dark ang aura nya kaysa noong huli nya itong nakausap noong Star Magic Ball. At noong huli nyang pagkakakita sa kanya noong concert night nya. Parang mukhang stressed at may sakit pa ito siguro dahil sa kulang sya sa tulog.
“Here, nakita ko na yung laman nyan, at nabasa ko na lahat yung nasa email mo. And I’m also here para malaman ko kung ano ba talagang nangyari.” she handed him the flash-drive that he gave her.
BINABASA MO ANG
It Started with a Dream (AshMatt) - Completed
FanfictionI just checked my wattpad app and pressed the "CREATE" button and there you go, this fan fiction was the first thing that comes to mind. For the love AshMatt lovers! :) Some parts were inspired by true events. Enjoy!
