Chapter 21 ~ Twilight

8.4K 82 7
                                    

December 20, 2013

Sarah and Matteo supposedly are having a date but because of Sarah's urgent commitment, she was not able to be with Matt.

Matt understands her but he's a bit sad because he really thought that they will be together the whole night. He just called her to check if she's okay.

"Baby, are you mad?" Sarah sounds so worried.

"No baby, I'm fine. Nakakalungkot lang kasi hindi tayo natuloy. I understand you naman. I'm just sad ng konti."

"Bawi na lang ako sayo baby next time ha? I'm sorry talaga. Sorry talaga."

"Okay na baby ,bisitahin na lang kita bukas sa bahay nyo."

-------------------------------------------------------

"Ms. Sarah, patanggal daw po ng ring nyo kung okay lang, medyo di po kasi appropriate sa concept na ginawa para sa magazine."

"Ah, I see. Here, pakilagay na lang po sa gamit ko."

"Sige po, any minute magstart na po tayo sa photo shoot."

~~~~~~~

"Bebe, mukha kang malungkot? May problem ba, tungkol ba kay pogi?" Bee was worried seeing her like that.

"(sigh) Sa tingin mo paano ako makakabawi kay Matt? Alam ko kasing may tampo pa yun sakin ngayon. Nakakapanibago kasi kahit isang text or missed call wala man lang akong nareceive galing sa kanya."

"Maybe it's your turn to surprise him. Pero wala akong idea sa mga ganyang surprises kaya wag na wag mo akong tatanungin (laughs)."

"Urggh! Naku naman, ikaw yung nagsuggest tapos ikaw din yung nagdecline bigla!"

"Sus, pero di ka naman matitiis non! Sige bebe, malapit na yung bahay namin. Manong, pakibantayan nyo itong si Bebe, baka biglang tumalon! (laughs) .Bye bebe! Cheer up! Mahal ka non!"

"Wow Bee, thank you! Bye! Ingat!"

--------------------------------------------------------------

Sarah went straight to her Ate Shine's bedroom after eating her dinner. It was exactly eleven in the evening when she got home. She needs someone to talk to.

"Ate, gising ka pa? (knocks the door) Pwede kang makausap?"

Shine heard Sarah. She knew that her sister needs some of her cool lectures; she knew Sarah has a problem.

"Oh Pot? May kailangan ka?"

"Ate, alam mo na kung bakit ako kumakatok sayo ng alanganing oras di ba?"

"Last time, kaya ka kumatok kasi naghahang yang IPad mo, ano naman ang problema ngayon?"

"Eh ano kasi ate, si Matteo, galit ata sa akin." Sarah looked at her phone, waiting for his text.

"Baka naman busy lang o kaya gaya mo, may biglaang trabaho. Magtetext din sayo yun. Nagtext ka  na ba sa kanya?"

"Yes ate, kani-kanina lang. Pero ate, di sya ganyan dati, palagi nya akong ina-update kahit sobrang busy na nya!"

"Alam mo Sars, napaparanoid ka lang. Malay mo, nagpapamiss lang sayo yung tao. Ang best way na gawin mo ay tawagan o itext sya at iparamdam mong miss na miss mo na rin sya. Minsan, hindi lang lalaki ang dapat manuyo, tayo rin, kung kinakailangan. Kailangan din nating magpakilig sa kanila at ang pinakamahalaga, ibigay mo yung tiwala sa kanya. Malay mo nga, busy lang. Don't worry Pot-pot, he'll text you. Maghintay ka lang. Wag kang atat! (laughs)"

It Started with a Dream (AshMatt) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon