Chapter 6
Forever Took So Slow… Again [Part 2]
*Drake’s POV*
Akala ko okay na.
Akala ko happy ending na namin.
Akala ko lahat ng inakala ko mangyayari.
Akala ko lang.
Hanggang ‘akala’ lang.
Pano nga ba ako nakakapagsalita?
Simple lang.
Hindi ako yung nabangga.
Si Jerika.
Hindi ko alam kung bakit niya ginawa yun. Kung bakit niya ginawang ipagpalit yung buhay niya para sa buhay ko. Bakit? Bakit siya pa yung nagsakripisyo? Dapat ako yung nasa loob ng ospital ngayon. Ako dapat ang nakahiga sa hospital bed. Dapat ako ang ginagamot. Dapat ako ang casualty. Dapat ako ang nasaktan.
Naalala ko lang yung aksidente dati. PERO AKO ANG NASAKTAN DON. Iba na ngayon. Umulit nga ang panahon pero iba ang nangyari. Siya naman ang nasaktan.
Sino kayang hanggal ang may pakana nito? Alam kong balak niya akong patayin kasi ako ang hinahabol niya. Pero bakit? At… SINO SIYA?
Si Terry?
Imposible. Nasa London pa si Terry. YUN ang alam ko.
Si Lucas?
“Dapat sa’yo pinapatay na! Para mabawasan na yung mga salot sa mundo!!”
Haaaay….
Hinihintay na lang namin ngayon yung Doctor. Kasama ko nga pala yung buong pamilya niya na alalang-alala sa kanya.
“Mr and Mrs Capilli?”
“Yes, Doc?” sabay takbo papalapit sa Doctor. “K-Kamusta na po a-ang anak k-ko?” alalang-alalang sabi ng Daddy ni Jerika.
“Kalma lang po kayo, Sir. Ayos na po ang anak niyo kaso… hinid niyo pa po siya makakausap ngayon. Hindi pa po siya nagigising.”
“Pero mabuti naman po ang kalagayan niya dba?”
“Ayos naman po ang anak ninyo. Kaso hindi niyo pa po siya makakausap ngayon. Nagkaroon po kasi ng bukol sa ulo niya...”
“H-HAAAA?!?!”
“Dahil po siguro don sa poagkakahampas ng ulo niya sa pader o sa sahig. Hindi pa po namin alam kung anong epekto nito sa kanya hangga’t di pa siya nagigising.”
“Pwede na po ba siyang makita, Doc.”
“Pwede na ho.”
Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa kwarto niya. Halos... maglumpasay na kami sa sahig sa sobrang bigat nung pakiramdam namin nung nakita siya. May iba pa ngang sinutok na’t lahat yung pader sa sobrang inis at galit.
Ako? Tinabihan ko na lang siya. Nagpakatatag na lang ako. Mas kailangan niya yun eh. Tsaka, may magagawa ba yung pag-iyak ko para gumaling siya? Buti kung meron dba? Kaso wala eh.
Isang milagro.
Yan ang kailangan namin ngayon.
Inaamin ko na sobrang hirap na nakikita mo yung mahal mo na nakahiga sa harap mo at wala kang magawa para matulungan siya. Bakit nga ba hindi na lang ako? Bakit nga ba siya pa yung nasaktan? Bakit ang dami kong tanong na di naman masagot-sagot?
Haaaay. Magigising din siya.
Hindi man ngayon, basta alam kong gigising din siya. Magigising siya.
Hinawakan ko yung pulso niya....
Dug-dug... Dug-dug...
Tumitibok pa yung puso niya...
Dug-dug... Dug-dug...
Buhay pa siya...
Dug-dug... Dug-dug...
Magigising siya...
Dug-dug... Dug-dug...
Nagniniwala ako.
Dug-dug... Dug-dug...
Magigigsing siya.
Dug-dug... Dug-dug...
Sana. :|
[A/N: Magigising pa kaya si Jerika? Kung oo, ano kayang nangyari sa kanya?]
BINABASA MO ANG
Forever Took So Slow
Novela Juvenil[Accidents Happen Sequel | Tagalog | Completed] Yung pangako niya, akala ko matutupad niya talaga. Umasaa lang pala ako sa wala. </3