Chapter 14
Hold on.
*Lucas’ POV*
Limang taon…
Limang taon…
Limang taon…
Limang taon na ang nakalipas simula nung umalis kami ng Pilipinas. Successful na kaming dalawa ni Eunice. Maganda na ang buhay namin dito sa London. Pero… hindi pa rin nagpapatalo ang nakaraan…
“Maghihiganti ako…”
“Hahanapin kita…”
“Hindi ka na makakatago pa…”
“Makikita rin kita…”
“Maghanda ka na…”
“AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!”
“L-Lucas?! L-Lucas ?! A-Ayos ka lang b-ba?!?!” Halatang nagulat at natakot siya sa sigaw ko. Pero… masyado nang malala ang bangungot ko…
Isang babae ang nagsimulang magsalita… sa isip ko? O baka naririnig din ni Eunice?
“Maghihiganti ako… Maghanda ka… Babalik ako… Pupuntahan kita…”
Ano ba ‘tong sinasabi ng utak ko?
“MATAKOT KA NA! MAGTAGO KA NA! HAHANAPIN KITA!”
“Lucas!” Bigla akong bumalik sa katotohanan.
“ E-Eunice…”
“Maghanda ka na…”
“Oh, Hun?”
“Maghihiganti ako…”
“M-May kailangan kang malaman…”
“Babalikan kita…”
“A-Ano?”
“Matakot ka na…”
“K-Kasi…”
Palakas ng palakas yung boses na nagsasalita sa utak ko. Di ko na maintindihan yung sinasabi ni Eunice. Nakikita ko na lang yung pagbukas-sara nung bibig niya… Di ko talaga marinig yung mga sinasabi niya…
“MAMAMATAY KA!! MAGHIHIGANTI AKO!! BABALIKAN KITA!! MAMAMATAY KA!! HAHANAPIN KO KUNG NASAAN KA!! MAGHIHIGANTI AKO!! MAMAMATAY KAAAAAA!!”
AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!!
“L-LUCAS?!?” Nagulat na lang ako ng maramdaman ko yung sakit ng paghampas ko sa ulo ko. Pero auyaw tumigil ng mga kamay ko kasi hindi pa rin tumatahimik ang utak ko. Ayaw tumigil gumalaw ng kamay ko… kahit gustuhin ko man… ayaw niya pa rin…
“LUCAS!!” Hinawakan niya yung dalawa kong kamay. “Ano bang problema?!” Tumigil na rin yung mga kamay ko. Naririnig ko na yung ingay ng orasan… ingay ng mga eroplanong dumadaan… ingay… maingay…
“B-Beh…”
“Bakit, Hun? A-Anong proble—“
“MAY KAILANGAN KANG MALAMAN!!” Nahalat ko yung pagkagulat niya at yung sakit na nararamdaman niya sa mahigpit kong pagkahawak sa braso niya.
“A-Ano y-yun, H-Hun?”
“E-Eunice… A-Ako… A-Ako y-yung… Ako yung...”
BINABASA MO ANG
Forever Took So Slow
Novela Juvenil[Accidents Happen Sequel | Tagalog | Completed] Yung pangako niya, akala ko matutupad niya talaga. Umasaa lang pala ako sa wala. </3