Chapter 6
Forever Took So Slow… Again [Part 3]
*Drake’s POV*
*1 week later*
Buong linggo, nandito lang ako. Ang labas ko lang sa kwarto niya, kapag naiihi ako o nac-CR. Pero the rest of the time, nasa tabi niya lang ako.
“Drake, hindi ka ba talaga papasok?”
“Hindi na po, Tito. Completion na lang naman po kami ngayon eh.”
“Sigurado ka ba?”
“Opo.”
“Osige. Kapag nagutom ka, may pagkain sa ref.” Ou. Sosyalin yung room niya eh. May ref. :)))
“Sige po.”
“Tsaka… kapag nagising siya… twagan mo agad kami.”
“Sige po.”
“Sige na. Mauna na kami.”
Di na talaga ako pumasok sa school ulit. Wala lang. Ayoko talaga siyang iwanan. Kapag nakikita ko siya, nabubuhayan ako ng loob. Hindi ako nakakaramdam ng pagsuko sa isip at puso ko. Naniniwala kasi ako na gigising din siya balang araw.
Haaay. Bakit ko nga ba sinasabi to?
---
Nakaupo ako katabi niya. Bigla kong narinig yung mga magulang niya na nag-uusap sa labas.
“Isuko na kaya natin siya?” sabi ng isang lalaki. Malamang yun yung tatay niya.
“Bakit naman?” Nanay niya na yan. Boses babae eh.
“Nahihirapan na siya, Marlotte. Kailangan na natin siyang palayain. Sa tingin ko… eto na ang oras niya…”
“P-Pero Carlo… bakit ka kaagad sumusuko?”
“Kasi alam kong wala nang pag-asa…”
“Walang pag-asa? Bakit Carlo? Bakit walang pag-asa?”
“Ilang araw na ang lumipas pero di pa din siya gumigising…”
“Tumitibok pa ang puso niya. Buhay pa siya. Isa pa, ARAW pa lang ang lumipas. Hindi taon. Be patient, Carlo. Hindi pa tapos ang lahat. May pag-asa pa tayo. Buhay pa siya. Di pa siya patay kaya ‘wag na ‘wag natin siyang bibitawan.”
Nanahimik ang paligid nun ng ilang sandal. Tanging yung malalim na pahinga na lang ni Jerika yung maririnig mo.
“’Wag kang mawalan ng pag-asa, Carlo. Gayahin mo si Drake. Daig pa nga niya tayo eh. Siya nga ni hindi niya maiwan-iwanan si Jerika. AT kahit kalian. Hindi siya nawalan ng pag-asa.”
Tooooot… Toooooooot… Tooooooot…
“Magtiwala ka lang, Carlo…”
Toooot… Toooooot… Toooooot…
“Magtiwala ka.”
---
Halos gabi-gabi kong pinagdarasal yung pagising niya.
Nami-miss ko na siya.
Sana gumising na siya mamaya o bukas…
Basta maghihintay ako.
BINABASA MO ANG
Forever Took So Slow
Ficção Adolescente[Accidents Happen Sequel | Tagalog | Completed] Yung pangako niya, akala ko matutupad niya talaga. Umasaa lang pala ako sa wala. </3