Chapter 12
Just wait.
*Drake’s POV*
Isang taon at kalahati na ang lumipas, wala pa ding nagbabago. May amnesia pa rin siya. Pero... nailabas na naming siya ng ospital. Haaayyy... Kailan ba kami makakabalik sa normal? Maayos pa nga ba ang lahat? May pag-asa pa ba? O... ganito na kami habang buhay?
Tapos si Eunice...
Isang taon at mahigit na siyang nawawala. Sabi niya gagala lang daw siya pero di naman siya bumalik. Sabin g mga magulang niya, umuwi lang daw siya sa probinsya nila. Pero... nagpasukan na’t lahat, di pa din siya bumabalik. Baka... ewan. Ano kayang nangyari don? Dalawa na sila ni Lucas na nawawala. Siguro hindi naman mahalaga si Lucas sa akin pero si Eunice... siya lang ang makakatulong sa akin... Siya lang ang makakapitan ko kapag nawawalan na ako ng pag-asa...
♪♫ God gave me you to show me what's real
There's more to life than just how I feel-- ♪♫
Sinong tumatawag?
Terry…
Calling…
TERRY?!?!
Eto pa rin number niya? Cool. Ilang years din siyang nawala. Sabagay, stick with the old?
“Hello?”
“Hoy Drake! Hahahaha! Kamusta?!?!”
“Ayos lang naman…” Hmm… weird. “Nakabalik ka na pala ng Pilipinas…”
“Pano mo nalaman? Hahahaha!”
“Una, nagtatagalog ka. Pangalawa, yung number na gamit mo… yung dati pa rin.”
“Bawal bang magtagalog sa London? Hahahaha!” Saya niya oh! Hahahaha. :))))) “Ikaw Drake ah. Sinave mo pa talaga yung number ko. Yieeeeee! Hahahaha!!” O-kay? Awkwaaaaaaaaaard. :))))) Wala lang. Parang… walang bitterness sa boses niya. Siguro… naka-move on na talaga siya.
“Kailan ka pa nakabalik?”
“Kahapon lang… Nakaka-miss pala Pilipinas ano?”
“Sino nga bang hindi makakamiss sa Pilipinas?”
“Niiiiiicee! Ikaw na ba yung bagong model ng DOT?”
“Hahahaha! Pwede!”
“Uhm… Kamusta naman si… si… si J-Jerika?” Sabi ko na eh. Tatanungin niya kung kamusta na si Jerika. Pero… sasabihin ko ba? Eh? Bakit naman hindi, dba?
“Ayos lang naman siya. Kaso—“
“Kaso may amnesia siya? Oo. Alam ko na yun.”
“P-Pano mo n-nalaman?”
“May nakapagsabi lang sa akin.”
“Aahhh…”
“Maayos naman ba yung lagay niya?” Sa tono niya, halatang nag-aalala siya kay Jerika. Haaay…
“Oo naman. Inaalagaan ko naman siya ng mabuti.”
“Ganun ba? Pwede ko ba siyang m-mak-makita?”
“S-Syempre naman!”
BINABASA MO ANG
Forever Took So Slow
Teen Fiction[Accidents Happen Sequel | Tagalog | Completed] Yung pangako niya, akala ko matutupad niya talaga. Umasaa lang pala ako sa wala. </3