Chapter One

97 6 12
                                    


I dedicate this to my friend, SolHelios73. Thank you for always supporting me ♥️

--

Seven Years

7 years later...

Umiiyak ako habang pinapanuod kong kausapin ni Mom ang katawan ko. I've been in a coma for seven years now. At masasabi kong, mahirap. Lalo na't nakikita ko si Mommy palaging umiiyak, araw-araw. I am now seventeen years old. And seven years ko nang hindi nace-celebrate yung birthday ko.

Hiwalay na si Mom and Dad, it happened six years ago. They tried to fix it, nag-work naman, ng isang taon. Because my Dad, he did it again. Nambabae ulit siya.

Nagkakaroon pa rin naman sila ng communication, kapag binibisita ako ni Dad. And I can say na naka-move on na sila sa isa't isa. My father has his own family now. Infact, malapit pa nga si Mommy at si Tita Sheryll, ang bagong asawa ni Dad. They have a two children now. And binibisita din nila ako kapag may time.

"Anak, gising ka na please?" Rinig kong muli ang paghikbi ni Mom. Lumapit ako sakanya at hinaplos Ang likod niya.

"Soon, Mom" I said. Seven years ago, habang natutulog ako ay hindi na muli ako nagising. Even the doctors can't define my illness. But may ilang nagsasabi na nababangungot daw ako. Everytime na maririnig ko iyon, hindi ko mapigilang matawa. Like, duh? Gusto ko lang din naman maging so sleeping beauty eh.

Charot.

"Para ka na namang baliw diyan" rinig kong may nagsalita sa likod ko, daku-dali ko namang pinunasan ang mga luha ko, si Faith, naka-coma din siya, katulad ko. Mas matagal nga lang ako. Five years na siyang coma. But you know kung ano ang mas masakit? Wala ni isang kapamilya niya ang bumibisita sa kanya. Hindi ko alam kung papaano niya nakakayanan iyon, pero isa lang ang alam ko, and that is, ang tatag niya.

"Ganon talaga pag maganda" I said jokingly. Simula nang makilala ko so Faith, parang biglang nagkaroon muli ng buhay ang mundo ko. Pagka-gising na pagka-gising ko, mamamasyal kaagad kami ni Faith, but this time, gamit na ang totoong katawan namin. And I can't wait if that time comes!

"Yeah, yeah. Tara? Gala?" Pagaaya niya. Ito ang maganda kapag naging kaluluwa ka na. Pwede kang pumunta kahit saan mo gusto pumunta. Hanggang ospital nga lang kami. Pero madami namang magagandang place dito eh. Kaya ayos lang. Hehe.

Habang naglalakad kami, ay may nakita akong isang kaluluwa din, katulad namin, lalaki siya. And.... ang gwapo niya! Thank you Lord! At nagkaroon din ng guwapong pasyente for the first time!

Kinalabit ko si Faith at tinuro ang lalaking nakita kong ubod ng gwapo.

"May itsura... Tara lapitan natin?" She asked. At sino naman ako para tumanggi say grasya

"Hi kuya! New patient?" Ako yan. Hehe it's my time to shine! Seven years na akong di nakakakita ng gwapo noh!

Nadisappoint ako ng iling lang ang sagot niya sa akin at bumalik muli sa ginagawa niya, kung ano iyon? Hindi ko din alam.

Tumingin naman ako kay Faith at nakita ko siyang nagpipigil ng tawa. Inirapan ko siya.

"Uhm.. do you mind if I can be friends with you?"

"Yes. So please, get lost" napakainit naman ng ulo ni kuya. Tsk, kung hindi ka lang gwapo, kanina pa kita ni-scrambled egg diyan.

Pero imbis na mainis, ay nginitian ko siya. Nilahad ko ang kamay ko.

"I'm Chloe Grace but you can call me Grace" Sabi ko while matching ngiti pa yan.

Finally! Inangat na niya ang mukha niya! Nawala ang ngiti ko ng makita ko siyang umiiyak. What happened? May ginawa ba ako?

"A-are you okay?" I asked but this time, medyo mahina na. Maski si Faith ay napatigil din sa paghagikgik.

Ngayon ko lang din nakita ang kanina pa niya hinahawakan, isa itong picture, I think family picture?

"My Mom died," he stated blankly. Walang kaemo-emosyon ang mukha niya. Hindi ko alam kung malungkot ba siya o ano.

My question have been solve because of the tears that is now flowing on his cheeks. Imbis na tumunganga at tiganan siyang umiyak, I embrace him with my hug. Hinagod hagod ko ang likod niya.

"It's okay. Alam ko namang ayos na ang Mommy mo. Lalo na at kasama na niya si Lord. And I'm sure masaya na siya ngayon doon sa itaas. Ang saya kaya doon!" Pagko-comfort ko sakanya.

Kumawala siya sa yakap ko, "Bakit? Naranasan mo na ba doon?"

"Hindi.... pa. Pero feeling ko masaya dun. Kasi imagine, wala nang paghihirap doon, wala ka nang kalungkutan na mararamdaman, wala na yung sakit, inshort, masaya. Kaya nga tinawag na 'Paraiso', hindi ba?"

Tumango siya.

"Uhm... Kanina noong tinanong kita kung matagal ka na ba dito and sinagot mo lang ay iling. So, gaano ka na ba katagal dito? One month? One year? Kasi honestly, hindi pa kita nakikita dito. Ako kasi seven years na dito, ikaw ba?"

"Seven years" sagot niya. Tumingin siya kay Faith, "Kaibigan mo?"

I am shocked, seven years? Bakit hindi ko pa siya nakikita? My God! Hindi ko alam na may gwapo palang pasyente dito sa ospital na to!

"Ah, eh, five years na siya, naka-coma. Uhm.. sige? Ah.. una na kami? Gusto mo sama ka na sa amin?" I asked him hoping that he would say yes.

"Huwag na! Baka maistorbo ko kayo"

"Naku! Hindi! Pwedeng pwede kang sumama sa amin! Kung gusto mo, sumama ka na sa amin araw araw? Tsaka may iba pa kaming kaibigan! Kung gusto mo, ipakilala na namin sa iyo?" Sabi ni Faith. Salamat naman at nagsalita na siya. Kanina pa mukhang tangang ngumingiti-ngiti eh.

"Next time na lang, I am still moving on from my Mom's death" he said then tried to smile.

"Ah oo nga pala, nakalimutan ko, uhm sige? Una na kami? Salamat!" Sabi ni Faith at hinatak na ako.

"Wait!" Sigaw ko. Kaya tumigil si Faith, nilingon ko si kuya wafu.

"Uhm... Ano nga pala pangalan mo?" Sigaw ko. He smiled, shet gwapo!

"I'm Alexander"

"Ah sige salamat!" Tumalikod na ako pero humarap ulit, "Ah, bye bye!"

"Sige! Salamat din!" Sigaw niya. Mabait naman pala siya. Pinagtitinginan kami ng mga kapwa kaluluwa namin.

"Oh? Ano tinitingin-tingin niyo? Inggit lang kayo eh!" Bulyaw sa kanila ni Faith

Ako? Eto, parang tangang nangingiti habang naglalakad.




To be continue...

Every Second With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon