Chapter Two

72 6 19
                                    

I dedicate this to my friend na walang wattpad acc 😂 kilala mo na kung sino ka 🙂

--

Feeling Close

"Hoy babae! Mukha kang ewan dyan! Ngiti ka ng ngiti!" Sabi ni Faith sabay batok sa akin.

"'To naman! Kinikilig lang eh!" Pagdidepensa ko, "Bakit? Bawal na bang kiligin?"

"Pwede naman, kaya nga lang, wag yung nagmumukha ka ng ewan diyan kakangiti mo! Pag ikaw natisod diyan! Pagtatawanan kita! Sasabihan kita ng bobo!"

Umirap ako sa mga pangaral ng babaitang ito. Nakakarindi man, ay wala naman akong magawa dahil ganyan na siya, likas na sakanya yan, wala na akong magagawa diyan.

And also, I love her the way she is. Hindi naman kailangan magbago ng isang tao para magustuhan siya ng iba eh.

"Alam mo? Ang ingay mo! And also, paano ako matitisod eh kaluluwa nga ako? Remember? Ngayon, Sino ang mas bobo sa atin? Ikaw, o ako?"

"Ah, hehe sabi ko nga!"

Napailing-iling na lamang ako sa babaeng ito.

Namamasyal lang kami dito sa may park, sa hospital kung saan nakalagay yung mga katawan namin.

Ang saya lang makita na ang saya nung mga bata na kahit may sakit at malapit na mawalan ng buhok na masaya.

Naglakad pa kami at nakita ko si Alexander na nakikipagusap doon sa batang kaluluwa gamit ang... Wait? Lata? Pano iyon?

Nakangiti pa sila parehas. Kaagad naman akong napangiti ng makita kong nakangiti si Alexander.

Ang gwapo talaga ng sungit na to!

Nakita niya kami at agad naman siyang ngumiti at kumaway

Nakita ko sa peripheral view ko na kumaway so Faith kaya kumaway din ako. Lumapit kami sa kanya.

"Would you mind if I ask you what is that?" Sabi ko sabay turo ng lata na hawak nila.

"Ah! Telephone to!" Sabi niya sabay angat ng lata na may wire sa bandang ibaba nito, pinagkokonekta ang dalawang lata.

"Huh? Paano yan gumagana?" Tanong ko pa.

"Ganto," Sabi niya at ibinigay dun sa bata ang hawak niyang isang pang lata. Kinuha naman iyon ng bata at dumistansya ng kaunti pagkatapos ay nagsalita ng 'hello'.

Napangiti ako ng sagutin naman it no Alexander ng 'hi' sabay tawa. Sabi ko na nga ba eh! Bad mood lang siya kahapon kaya siya ganun!

"Ano pangalan niya?" Tanong ko kay Alexander sabay tingin sa bata na ubod ng cute! Matatantsa ko na mga nasa four to five years old ito.

"Ian, introduce yourself," utos sa kanya ni Alexander habang nakangiti. Ah so Ian pala ang pangalan niya. Ang cute.

"Hi! I am Ian Angelo Dela Cruz! I am four years old!" Puno ng galak niyang saad habang iminuwestra niya sa amin ang kanyang my daliri na nagsasabing 'four'.

"Ang cute niya! Kaano-ano mo siya, Alex?" Tanong ni Faith. Ay wow! Alex! Close kayo teh?

Natawa ako sa iniisip ko.

"Parang anak ko na siya" sagot naman niya

"Ah so pwedeng maging si Grace yung nanay?" Gaga talaga 'tong babaeng to.

Nakita ko namang nanlaki ang mata ni Alexander. Ngayon ko lang napansin na hindi pala black ang kulay ng mata nito kung hindi ay grey.

Bagay na bagay sakanyang matangos na ilong at mapupulang labi.

"Ang ganda ng mata mo, kanino ka nagmana?" Pagpupuri ko, hindi pinansin ang pang-aasar ni Faith.

Nakita ko namang nagbago ang ekspresyon niya. Kung kanina ay puno ito ng saya, ngayon ay puno na ito ng lungkot.

"Namana ko ito sa ama ko" sagot niya pero wala akong maramdaman na kahit anong emosyon sa mata niya. Buti na lang at bumalik it muli sa dati, ngumiti na muli siya.

"Gusto mo i-try natin to minsan?" Tanong niya. Habang bahagyang nakataas ang dalawa niyang kamay, pinapakita ang lata.

"Sige" Sagot ko. Sino ako para tumanggi sa grasya?

"Ah, sige una na kami, may gagawin pa kami eh" sabi ni Faith. Epal talaga itong babae na to sa love life ko.

"Sige" at pumayag naman ang loko! Hays!

Bye, my love!

"Sige bye!" sabi ni Faith.

"Huy! Magpaalam ka na! Aalis na tayo!" bulonh sa akin ni Faith, "Mukha ka na namang ewan diyan!"

Di ko siya pinansin at humarap kay Alexander.

"Bye, Xandy!"

"Xandy?"

"Yup! Uhm.. Di ka ba kumportble?"

"Yun kasi yung tawag sa akin ng nanay ko eh" sagot ni Alexander.

"Ah sorry! Sige next time na lang!"

Tango na lamang nag sagot niya sa akin.

Wrong move, Grace! Wrong move!

"Oh ayan! Tanga! Napala mo! Aanga-anga ka kasi! Xandy pala ah?"
Pangongonsesya pa lalo sa akin ni Faith.

"Hays! Tumahimik ka na nga!" singhal ko sakanya. Nakokonsensta ako eh. I pouted my lips as I think a way to make him feel better... again.

Argh! Because of me, lumungkot na ulit siya!

I should think a way para sumaya na ulit siya, asap!

Days have passed pero palaging ngitian at tanguan lang ang batian namin ni Alexander!

I can't take it anymore! I should make a plan para magkabati na kami!

Nakaupo ako dito sa sofa malapit sa bintana, sa kuwarto ko, kanina pa magiisip ng paraan para mapatawad ako ni Alexander. Yan kasi! Napaka-fc mo kasi!

"Ano may naisip ka na? Kasi ako meron na" nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Faith.

"Wala pa nga eh" I said while I watching my Mom talk to my Doctor. Hindi na ako nagabala pang pakinggan iyon dahil alam kong another bad news lamang iyon.

"Ano na yung naisip mo?" This time, lumingon na ako kay Faith.

"Kantahan mo siya. Diba sabi mo may talent ka sa pagkanta? Edi kantahan mo siya! Basic!" sabi niya at tinaas pa ang kanang kamay niya na nakaform ng 'three' sabay kindat.

"Yuck! Kadiri ka! And what? Ako kakanta? Paano ko siya kakantahan eh hindi nga ako pinapansin!" pagdadahilan ko.

"Ako bahala! I got you girl!" sagot niya.

"May tiwala ako sayong babae ka! Huwag mo ko bibiguin!"

She raised her hand at tinapat ito sa noo niya sabay sabing, "Yes ma'am!"

Tinawanan ko siya. Mukha talaga tong baliw minsan, ay wait! Di pala minsan! Palagi pala!

To be continue...

Alexander G. Bautista as Jeon Jungkook

Chloe Grace M. Lopez as IU



Every Second With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon