RiskIsang araw na ang nakalipas simula noong sabihan ako ni Alexander ng salitang hindi ko naman maintindihan.
Sinubukan kong tanungin sila Faith nfunit maski sila ay hindi maintindihan. Tandang-tanda ko pa ang mga sinabi niya sa akin noon.
"Anong watashingshi? Anong salita yun? Alien? Oh baka naman hindi salita? Baka naman galawan? Galawang Alex"
Tinignan ko si Mama na nakikipag-usap sa Doctor ko. Katulad nang nakagawian, hindi ko na ito pinakinggan at tumingin na lang dito sa bintana, sa kuwarto ko.
"Anak!" puno ng galak na saad ni Mama. Nagtaka ako, sa tuwing makikipag-usap kasi si Mama sa doctor, ay palagi siyang umiiyak kapag nakalabas na ito.
Ngunit ngayon, base sa nakikita ko, ay masayang masaya siya. Bakit kaya?
"Anak! Oh my! Your doctor said that soon, you will woke up! Oh my gosh! I cant wait! Magigising ka na ulit 'nak! Naku! Dapat kong ibalita ito sa tatay mo! Panigurado, matutuwa din iyon,"
Napahinto ako, halo-halong emosyon ang nararamdaman. May halong saya, kaba at kagalakan ang namamayani sa puso ko. Ngunit mayroong ibang bahagi nito na nagsasabing malungkot.
Then, realization hits me. Kapag nagising ako, ay hindi ko na muli makikita ang mga kaibigan ko, si Faith, si Tupe at Tian-- sila ang isa sa pinakamatalik kong kaibigan. Nandyan sila tuwing nakakaramdam ako ng lungkot. Ganun din naman ako sakanila.
Nagdadamayan kami sa lahat ng bagay. Tila magkakapatid ang turingan.
Si Alexander, ang first love ko, magkakalayo na kami. Makakalimutan ko na siya.
Napaiyak ako dahil sa mga naiisip. Ganito ako palagi tuwing nabibigatan ako sa mga problemang binibigay Niya sa akin.
Sa tingin ko, sa lahat ng problemang binigay niya, ito ang pinakamahirap.
I should choose between the two. Ang pamilya ko ba, o ang pagibig at kaibigan?
Huminga ako ng malalim at nilapitan si Mama, "Ma, sa tamang panahon, gigising na ako. But I guess this is not the right time. Just give me sometime para makapagpaalam ako sa mga kaibigan ko,"
Niyakap ko siya, naramdaman ko namang bahagya siyang napahinto. Nararamdaman niya kaya ako?
Gusto ko nang maramdaman ang mga yakap ni Mama. Miss ko na siya. At alam kong miss na din niya ako. I can feel it.
"Ma, I love you"
"I love you too, Grace"
Mas lalo akong napaiyak. Just give me one week at babawi ako sa iyo, Ma.
"Alex, noong nakaraang linggo pa sinasabi ng Doctor mo na puwede ka nang gumising, pero bakit hindi ka pa gumigising? May pumipigil ba sayo?" sabi ni Tita Sheryll na may halong hagikgik.
Si Tita Sheryll ang high school best friend ng nanay ko. Wala siyang mga anak dahil she can't produce one. Ito din ang dahilan kung bakit wala siyang asawa.
"Siguro may girlfriend ka na noh?" sabi niya at kiniliti ang katawan ko. Hindi ko man iyon naramdaman ay natawa pa din ako.
Siguro ang suwerte ni Mom na magkaroon ng ganitong best friend noh?
Napaisip din ako sasinabi ni Tita.
May pumipigil nga ba talaga sa akin? Biglang sumagi sa isip ko sila Grace at ang kaibigan niya.
Weh? Pati din ba kaibigan niya, oh si Grace lang?
Nangunot ang noo ko. Oo naman sino pa ba?
Mahal mo na ba? Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang nagsasalita na iyon pero isa lang ang alam ko, gusto kong sapakin ang hay*p na yun
"Hindi"
Weh? Di nga? Bakit ka nag-i love you sakanya noong isang araw?
Napahinto ako. Bakit ko nga ba ginawa iyon? Siguro dahil, gusto ko?
Aminin mo na kasi! Gusto mo na si Grace!
Gusto mo na si Grace!
Gusto mo na si Grace!
Gusto mo na si Grace!
Tila nag-eco sa isip ko ang nga katagang iyon na ikina-inis ko.
"Oo na!"
Woah! at unti-unting nawala ang nga tunog na kanina ko pa naririnig.
Pero ano yung sinabi ko? Gusto ko si Grace? Well, I won't deny it.
Mabait naman siya, matulungin, sweet, maaalahahanin, maalaga, maganda, cute.
Napailing-iling ako habang nangingiti.
Tinamaan na nga ata talaga ako doon sa babae na 'yun.
Pero paano siya pag nagising na ako? Ayoko naman siyang paasahin. Ayoko siyang saktan.
Tila rumehistero sa akin lahat ng ala-ala na ginawa naming dalawa.
I should risk one of them.
But then, I've realized something. Ayoko pang mabuhay sa katawang tao ko. First time kong maramdaman ang pakiramdam na ito at hindi ko ito hahayaang pakawalan pa.
Humarap ako sa bintana ng kuwarto ko at binuksan ito. Pumikit at umihip ng hangin.
Ganito pala ang feeling ng in love. Feeling mo buo ka. Yung tipong ayaw mo nang matapos yung araw dahil kasama mo yung taong mahal mo.
Nababakla na ako.
To be continue...

BINABASA MO ANG
Every Second With You
RomanceGrace Lopez and Alexander Bautista Story SYNOPSIS Two souls collide. Two hearts clash. Destiny knew that they are meant to be. But what should they do if one day, destiny won't agree with them? What will happen to their love? What will happen to the...