I love you
"NO!" Sigaw ko, nanginginig at humagulgol, napabangon ako mula sa aking pagkakahiga, nilibot ang paningin ko, at pinunasan ang mga butil ng luha na kanina pa dumadaloy mula sa aking mga mata.
Hindi ko maintindihan, ano ba ang nangyayari?
Nakita kong napatayo si Mom sa upuan mula sa pagkakahiga niya, gulat na gulat, mayamaya pa ay bumangon siya at dali-dali akong sinalubong ng mahigpit na yakap.
"Chloe! Salamat sa Diyos at gising ka na! Why are you crying? Shh, dont cry" sabi ni Mom habang hinahalikan ako sa aking mukha. Pagkatapos ay pinunasan ang mga luhang dumadaloy sa mga mata ko.
Nagising na ako? How come na naaalala ko lahat ng nangyari sa akin? Si Alexander? Sila Faith? Ano ba talaga ang nangyayari?
Can someone explain it to me? Nalilito ako.
"Mom?"
"Yes, Chloe! It's me, your Mom! Tatawagan ko lang ang doctor mo para ma-obserbahan ka" sabi niya at hinawakan ang teleponong nakakabit sa pader, malapit sa kama ko. Tinawagan niya ang doctor.
Makikita mo ang galak sa mga mata niya, at mga luhang nagmamadaling makalabas mula sa mga mata niya.
Tears of joy.
Tulala lang ako habang kinakausap ni Mom ang doctor sa telepono, iniisip kung ano ba talaga ang nangyayari.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ito at inobserbahan ako. Inabot ito ng halos isang oras bago ito magsalita.
"Normal naman lahat sa kanya, but hindi muna siya pwedeng gumalaw-galaw dahil baka mabigla ang mga buto niya at magkaroon ng infection. Siguro mas makakabuti munang maupo muna siya or humiga ng several days or weeks. Sa ngayon, wheelchair muna ang gagamitin niya"
Tumango si Mom sa sinabi ng doctir at nagsalita, "Doc, about her illness, ano po ang sakit niya? You're observing it for almost seven years and yet, wala pa ding results ang mga tests na ginagawa niyo"
"About that Ma'am, we have a feeling that she has a hyperinsomnia, but we are not sure about it dahil usually, kapag may mga ganitong sakit, ay umaabot lang ng one to two years. But in her case, mukhang malalang kaso ito ng hyperinsomnia"
Nagusap pa sila ng matagal-tagal. Habang ako, heto, nakatulala, iniisip kung ano ba talaga ang nangyayari.
Bakit naaalala ko ang lahat?
As far as I know, when you are comatose, makakalimutan mo ang lahat ng nangyari sa iyo habang naglalakbay yung kaluluwa mo.
Pero bakit sa kalagayan ko, naalala ko ang lahat? Kung papaano kami nagkakilala ni Faith, kung paano ko nakilala si Alexander, at kung... papaano nawala sa akin si Alexander.
Bago ko pa malaman, ay tumutulo na pala ang mga butil ng luha mula sa mga mata ko. Pinunasan ko ito.
"Anak, ayos ka lang?" tanong sa akin ni Mom habang lumalapit sa akin. Binigyan niya ako ng tubig na ka agad ko namang ininom. Umupo siya sa gilid ng higaan ko at bahagyang hinaplos ang buhok ko.
I missed those touch. I missed my Mom. Pero mas masaya ata ito kung kumpleto kami
"Wala Ma, masaya lang ako. Kasi sa wakas, nagising na ako. Mahahawakan na ulit kita, malalambing na ulit kita, at maipagb-bake na din kita" sabi ko sakanya habang nakyakap sa kanya.
BINABASA MO ANG
Every Second With You
RomanceGrace Lopez and Alexander Bautista Story SYNOPSIS Two souls collide. Two hearts clash. Destiny knew that they are meant to be. But what should they do if one day, destiny won't agree with them? What will happen to their love? What will happen to the...