Chapter Seven

37 6 12
                                    


Reminsce

Isang araw na ang nakakalipas simula nang malaman ko ang nangyari kay Faith. Hindi ako makapaniwala. Parang kahapon lang noong una kaming nagkita.

Bigla kong naalala ang una namin pagkikita ni Faith.

Four years ago, when I met this girl with a long black curly hair. Siya ang unang lumapit sa akin. Then she smile at me and said,

"Puwede ba akong makipagkaibigan?"

Noong una ay tinanggihan ko siya dahil nahihiya pa ako. Ang totoo niyan, sa tatlong taon kong namamalagi dito sa ospital ay wala pa rin akong nagiging kaibigan.

Nagkaroon ako ng isa ngunit kinuha na siya ni Lord. Simula noon ay hindi na muli ako nakipagusap sa iba.

Kaya ganoon na lamang ang gulat ko nang lumapit siya sa akin at sinabi iyon.

Habang tumatagal ay lalo kaming naging mas malapit. Pinakilala niya din ang iba pa niyang kaibigan na sila Tian, Tupe at James.

Akala ko ay kilalang-kilala ko na siya, ngunit nagkamali ako. Never niyang sinabi sa akin ang dahilan ng pagkaka-coma niya.

Isang araw ay pasimple ko siyang tinanong tungkol sa nangyari sa kanya. Kinulit ko siya hanggang sa mainis siya sa akin.

Isang linggo niya ako hindi pinansin. Ngunit hindi nagtagal ay pinatawad niya din ako.

Simula noon ay hindi na namin muli hinalungkat ang tungkol sa bagay na iyon. Natakot ako na baka mawalan ako ng kaibigan kapag kinausap ko pa siya ulit tungkol doon.

Ang totoo niyan ay hindi pa ako nakakapasok sa kuwarto niya. Sumisilip lang ako paminsan minsan kaya ang alam ko lang na parte ng kuwarto niya ay ang higaan at ang oxgen tank na nasa gilid lamang nito.

Tuwing pupunta ako sa kuwarto niya ay palagi niya akong inaaya na lumabas o kaya naman ay mamasyal.

Naiintindihan ko siya. Kilala ko si Faith, ayaw niyang nagaalala kaming kaibigan niya nang dahil sa kanya. At katulad ko, ayaw niya ding pinapakita na mahina siya sa iba.

Hindi ko napigilang mapaiyak. Ang hirap tanggapin na wala na ang isa sa pinakamatalik kong kaibigan. Wala na si Faith. Wala na ang babaeng akala mo ay nakalunok ng mic kapag nagsasalita.

Naramdaman ko namang bahagyamg hinahagod ni Alexander ang likod ko at pagpapatahan.

Ang sabi niya ay noong nalaman niya na wala na si Faith ay kaagad niya akong naalala kaya naman ay pinuntahan niya kagad ako dito sa kuwarto ko.

Pafall ang loko.

"Gusto mong mamasyal?" pagaaya niya. Kahit wala akong sa mood na umalis dito sa kuwarto ko ay um-oo ako. Wala naman kasing mangyayari sa akin kung tutunganga lang ako dito sa kuwarto ko magdamag. Kailangan ko nang tanggapin na wala na siya.

"Sige. Puntahan na din natin ang iba para madami tayo" suhestiyon ko. Kaagad naman siyang sumangayon at tumayo mula sa pagkakaupo sa upuan na nasa bintana ko. Ganun din ang ginawa ko at sumunod na sa kanya.

Nagpaalam ako sa nanay ko na natutulog at umalis.

Una naming pinuntahan ay ang kuwarto ni Tupe. Mas malapit kasi iyon sa kuwarto ko, katabi lang ng kuwarto ni Alexander. Sumunod naman ay si James na kasalukuyang nanunuod ng Peppa Pig sa kuwarto niya. Inasar namin siya at nanguna doon ay si Alexander

"Peppa Pig pala ah? 'Di ka naman pare nagsasabing mahilig ka sa ganyan" sabi niya at sinabayan ng tawa. Sinapak lamang siya ni James sa kanya ng braso.

Every Second With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon