NewsIsang araw na ng nakalipas simula nong tawagan niya ako. Hindi ko na din siya nakakausap simula noon.
Hindi naman talaga kayo naguusap.
Sabi ko nga.
Tinignan ko ang orasan na nasa tabi ng kama ko.
12:02 a.m
Hindi ko namalayan na twelve na pala. Naguupdate kasi ako ng storya. Binabalak kong tatapusin ko na ito ngayon pero parang malabo dahil kailangan ko pang magayos para sa bakery ko. At kailangan ko ding matulog kaya siguro bukas ko na lang ito tatapusin.
Sinara ko na ang laptop ko at sinubukang matulog. Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit hindi pa din ako makatulog.
Kakaisip sa kanya at sa girlfriend niya.
Akala ko ayos na ako doon. Akala ko lang pala iyon.
Hindi ko namalayang umiiyak na naman ako. Ang sakit isipin na kami ang unang nagkakilala ngunit sa iba siya napunta.
Na dapat ako yung babaeng kasama niya. Ako yung babaeng ipinagmamalaki niya sa lahat.
Ako dapat iyon.
Ngunit kahit pagbalibaliktarin ko ang mundo alam kong hindi mangyayari iyon.
Pinunasan ko na ang mga luha ko at natulog na. Kung dati, ayaw kong matulog dahil baka maulit ang nakaraan pero ngayon parang gusto ko nang matulog at hindi na muling magising pa.
I just want to die.
Pero paano sila Mom? Sila Beth? Yung bakery ko?
Si Alexander?
Ayan ka na naman, Alexander na naman. Hindi ka na tumigil diyan sa kaka-Alexander mo.
Napatawa ako. Nakakabaliw talaga ang pag-ibig 'no? Iiyak ka, tapos mamaya maya, tatawa ka. Masaya ka mamaya, tapos malulungkot ka. Minsan, iispin mo siya palagi, tapos kikiligin ka. Pero kapag na-realize mong malabong maging kayo,
Iiyak ka.
Ganyan palagi mag senaryo kapag inlove ka. Nakakabaliw, hindi ba?
Napaupo ako mula sa pagkakahiga nang may naisip na ako para sa ending ng storya namin, ay este, niya. Tatapusin ko na ito. Katulad noong nangyari sa storya namin.
Naalala ko tuloy ang istoryang I love you since 1892, parang kami lang pala ni Alexander sila Carmela at Juanito.
Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana.
I smiled bitterly. Hays, kung ano-ano na naman iniisip ko, makatulog na nga lang.
Pagkagising ko ay naghilamos ako at bumaba sa sala at saka binuksan ang T.V. Tinginan ko kung anong oras na at five o'clock pa lang ng umaga.
Siguro ay puro balita pa lang ang mapapanuod ko. Nilipat ko na ang telebisyon at mayroong isang news na nakakuha sa atensyon ko.
"Vlogger, Natagpuang Nakahalindusay sa kanyang Condo, Abangan."
I suddenly got goosebumps. Inabangan ko ang news na ito. Habang umiinom ng kape ay tutok na tutok ako sa T.V. Kinakabahan sa balitang nakita ko.
Kinakabahan ako na baka si Alexander ito.
No, malabong mangyari iyon.
Napatulala na lamang ako sa kawalan, iniisip na baka siya nga. Namutla ako sa naisip.

BINABASA MO ANG
Every Second With You
RomanceGrace Lopez and Alexander Bautista Story SYNOPSIS Two souls collide. Two hearts clash. Destiny knew that they are meant to be. But what should they do if one day, destiny won't agree with them? What will happen to their love? What will happen to the...