Chapter Eight

27 5 16
                                    


Stars

Gabi ngayon at binabalak kong sunduin si Grace sa kwarto niya. Gusto ko nang sabihin sa kanya na malapit na akong umalis sa mundong ito. Dahil babalik na ako sa mundo ng mga tao.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon; lungkot, dahil mawawala na ako sa mundomg ito. Iiwanan ko na ang mga kaibigan ko dito. At higit sa lahat ay maiiwanan ko na si Grace, ang minamahal ko.

Saya at galak, dahil sa wakas ay mararamdaman ko na muli ang tunay na mundo. Mararanasan ko na ang nararanasan ng mga tao sa labas. Magiging ganap na kabataan na ako.

Ngunit, sa tuwing naiisip ko ang mga magulang ko ay hindi ko maiwasang malungkot. Lalo na tuwing naiisip ko ang nanay ko. Pinangako ko pa naman sa kanyang aalagaan ko siya kapag gumaling na ako. Mas masaya sana kung ngayong magaling na ako ay nandito pa din siya, sinasamahan ako sa mga pangarap na tutuparin ko.

Nang makarating na ako sa kuwarto ni Grace ay kaagad akong pumasok doon. Nakita ko namang nakadungaw siya sa bintana niya, tinitignan ang mga bituin, at kinakausap ang sarili.

Baliw.

Mahal mo naman? sabi ng tinig na nagmumula na naman sa kung saan.

Tsk. Wag ngayon!

Tinawag ko siya, "Kinakausap mo na naman ang sarili mo" natawa ako sa naging reaksyon niya.

Napaharap siya sa gawi ko habang ang mga mata ay nakabukas, gulat na gulat. Lalo akong natawa.

"A-anong ginagawa mo dito?" takang tanong niya at umayos ng upo. Nakataas kasi ang dalawa niyang paa sa upuan.

"Binibisita ka. Gusto din kitang ayain para lumabas" sabi ko

Ayain? Ako? Oh my gosh! Sino ako para tumanggi sa isang guwapong katulad niya?

Ay wala nga pala siyang katulad.

Nag-iisa nga lang pala siya sa puso ko.

Smooth.

Napailing-iling ako sa naisip ko.

"S-sige, saan ba?" sabi ko at agad na tumayo mula sa pagkakaupo ko. Inaayos ko ang buhok ko habang ginagawa ito.

Kailangan kong magmukhang presentable sa harapan niya! Baka maturn-off siya sa akin, maagaw pa siya ni Kristina.

"Saan pa ba? Eh yung park lang naman yung pinakamalapit dito. Huwag mong sabihin na gusto mo ko akong makasama ng matagal?" sabi niya sabay ngisi. Minsan talaga walang hiya yung lalaking 'to eh!

Siguro inborn na yung pagiging mayabang niya?

"Kapal! Wag kang feeling! Kahit gusto kita, mas gugustuhin ko pa ding makasama yung sarili ko!" I lied. Tsaka what? Gusto ko makasama yung sarili ko? Napaka-tanga! What an excuse!

Tinawanan niya lang ako. Tinalikuran ko siya at nauna ng maglakad, tinatago ang mga namumula kong pisngi.

Naririnig ko pa ang pangaasar at pagtawag niya sa akin mula sa malayo, pero hindi ko ito pinansin at nagpatuloy.

Nang nasa park na ako ay lumingon ako sa likod ko pero wala ni isang sign na nandito siya. Naikot ko na ang buong park pero wala siya.

Nasaan siya?

Dahil sa pagaalala ay sinigaw ko na ang pangalan niya, "Alexander!"

"Hindi ka na bata para makipagtagu-taguan sa akin! Umayos ka!" muli ko pang isinigaw.

Every Second With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon