I want to dedicate, again, this to my friend, SolHelios73.
Signs and Secrets
Tatlong araw na ang nakakalipas simula noong malaman ko na puwede na akong magising anumang oras.
Apat na araw na lang at babalik na ako sa katawan ko ngunit hindi ko pa din nasasabi sa kanila ang totoo.
Ayoko pang umalis, pero masakit makitang umiiyak si Mom ng dahil sa akin araw-araw. Pero masakit din makita na iiwan ko ang mga kaibigan ko na hindi ako inwan.
Nandito ako sa kuwarto ko, pinapanuod si Mama na punasan ang katawan ko. Ngayon ko lang napansin na ang haba na pala ng buhok ko.
"Grace, gising na! Baka malate ka pa sa school!" tumawa si Mama. Maski ako ay natawa, "Practice lang!" sabi niya at tumawa muli.
Napailing na lamang ako sa nanay ko. Maganda ang nanay ko, may itim itong buhok na aabot hanggang sa balikat niya. Malalaki ang mata, medyo matangos ang ilong, at may hulma din ang mapupulang labi nito.
Kaya nga nagtataka ako kung bakit naiisipan pa rin ni Dad na mambabae. Na kay Mom naman na ang lahat. Mabait ang nanay ko, masipag, maganda, matalino.
Siguro may mga tao lang talagang hindi marunong makuntento sa kung ano ang mayroon sa kanila.
"Anak, pagkagising na pagkagising mo, pagaaralin kaagad kita. Nakikita ko kasi yung mga dating kaklase mo na nasa college na tapos ikaw ito ngayon, mags-second year high school pa lang" sabi niya habang ginugupitan nman ang kuko kong humaba na.
Tama nga si Mama, napagiiwanan na ako ng mga ka-batch ko. Pero hindi ito magiging hadlang para sa akin na hindi ipagpatuloy ang pagaaral ko.
Nang matapos na si Mama sa pagupit ng kuko ko, ay sinuklay naman niya ang buhok ko.
"Anak, ang haba na ng buhok mo. Alam mo, pag gumising ka na, papaputulin na natin iyang buhok mo. Ang haba na oh!" sabi niya. Npapangiti ako dahil madalang ko nang makita si Mama na umiyak. Kahit papaano ay napanatag na ang loob ko.
Pagkatapos niyang suklayin ang buhok ko ay binuksan niya ang T.V tumapat naman iyon sa isang channel kung saan fini-feature doon ang pakiramdam ng ma-inlove.
"Anak, nararanasan mo ba yun?"
Tanong ni Mama ng marinig niyang sabihin nang host na, kapag daw in love ka or papalapit siya sayo, nararamdaman mo ang tibok ng puso mo. Para ka daw nakikipagkarerahan sa mga kabayo.
Biglang pumasok sa isip ko si Alexander. Nararanasan ko iyon tuwing lalapit siya sa akin o kaya naman ay ako ang lalapit sa kanya.
Hays! Alexander na naman!Kailangan kong libangin ang sarili ko!
Tumayo ako at nagpaalam kay Mama na aalis ako, kahit di niya iyon naritinig ay nagpapaalam pa rin ako sa kanya.
Habang naglalakad papuntang kuwarto ni Faith, ay saktong makakasalubong ko si Alexander, ako papunta sa gawi niya, siya oapunta sa gawi ko.
Eto na naman ang puso ko! Tumatalon na naman siya sa dibdib ko! Ay, wala nga pala akong dibdib.
Tila bumagal ang ikot ng mundo, huminto ang oras, tanging siya lang ang nakikita ko sa dinami-dami ng taong nandito sa paligid. Pumasok sa isip ko ang sinabi ng host kanina sa pinapanuod namin ni Mama.

BINABASA MO ANG
Every Second With You
RomanceGrace Lopez and Alexander Bautista Story SYNOPSIS Two souls collide. Two hearts clash. Destiny knew that they are meant to be. But what should they do if one day, destiny won't agree with them? What will happen to their love? What will happen to the...