Chapter Three

51 6 17
                                    

Video on the top part! (⬆)

I dedicate this to BeatusDilexit beacuse she also help me when i have problem

--

Kanta

Tinignan ko si Faith at sinenyasan para malaman kung ayos na ba ang lahat.

Nandito kami ngayon sa isang silid na hindi naman ginagamit. Nilagyan namin ng christmas lights, na nahalungkat lang namin sa isa sa mga box dito, ang paligid dahil madilim. Nandito din ang iba naming kaibigan ni Faith. Isa sila sa tumulong para sa sorpresa namin kay Alexander.

"Nasan na si Alexander?" Tanong ko kay Faith. Kinakabahan ako dahil baka hindi niya kami siputin. Pinakid nap kasi namin siya sa iba pa naming kaibigan.

Yun na ang pinaka-posible na solusyon para sumama siya sa amin eh.

"Malapit na sila" sagot naman niya. Habang nakatingin dun sa bagay sa likod niya.

"Paano mo naman nalaman?" May halong panghihinala ang tono ko.

"Malamang nakikita ko sa CCTV oh!" sabi niya sabay pakita ng computer na nasa likod lamang niya.

Natawa ako, "Saan niyo naman nakuha iyan?"

"Meron na talagang nakalagay diyan, konting kalikot lang" sagot sa akin ni James.

Napatango-tango ako, oo nga naman. Kapwa kaluluwa ang tinitignan namin kaya nakikita namin sila.

"Ayan na sila! Umayos na kayo!" sabi sa amin ni Faith. Kaagad naman akong umayos sa puwesto ko na nakaharap sa pintuan para pagpasok na pagpasok ni Alexander ay makikita na niya agad ako.

Nakahilera naman ang mga kaibigan namin, kabilang na si Faith, sa both sides ng maliit na entabladong kinatatayuan ko.

Nakita kong ayos na kami. Lalo akong kinabahan ng makita kong unting-unti nang bumubukas ang pinto at iniluwa niyon si Tian tsaka si Tupe, isa pa naming kaibigan, na hawak si Alexander sa magkabilang kamay.

Naka-blindfold si Alexander na kasalukuyang nagpupumiglas.

"Bitawan niyo ako!" sabi niya habang pilit na inaagaw ang kanyang nga kamay. Hindi siya pinakinggan ng dalawa at nagpatuloy pa sa paghatak sa kamay nito papunta sa upuan sa harap ng maliit na ebtablado, kung saan ako nakatayo.

Nang malapit na sila ay sinenyasan ko ng buksan ni Faith ang maliit na player na nahalukay lang din naman dito at sinimulan ang pagkanta

"Wise men say only fools rush in
But I can't help falling in love with you"

Huminto sa pagpupumiglas si Alexander at hinayaang hatakin siya nina Tian.

"Shall I stay?
Would it be a sin
If I can't help falling in love with you?"

Nang makaupo na siya ay hinayaan na siya nila Tian na tanggalin ang blindfold niya.

I smiled at him when our eyes met.

Nanlaki ang mata niya.

"Like a river flows surely to the sea
Darling so it goes
Some things are meant to be"

Dahan dahan akong bumaba habang nakikipag-titigan sakanya. Nanatili pa ring gulat ang nga mata niya

"Take my hand, take my whole life too"

Hinawakan ko ang kamay niya habang binibigkas ang mga katagang iyon. I smiled at him. Unti-unti ay nararamdaman ko na naman ang ang pintig ng puso ko.

Am I in love? Dati, iniisip ko lang ang pakiramdam ng inlove, pinandidirihan ang mga kaibigan kong sinasabing sarap sa feeling nang main-love.

Pero heto ako ngayon, nilulunok ang mga sinabi ko.

I am in love. I am inlove to the most beautiful man standing, now, infront of me, smiling.

"For I can't help falling in love with you"

Nang matapos ang kanta ay dahan dahan kong tinanggal ang pagkakahawak ng kamay namin at nginitian siya, tumutugtog pa din ang minus one ng kinanta ko.

"Hi Alexander," I smiled. "I'm sorry sa nangyari nung isang araw. Hindi ko sinasadya. But I want to confess something to you"

Nakatitig lamang sa akin si Alexander, hinihintay ang susunod kong sasabihin. Samanatalang si Faith naman ay nangunot ang noo.

Ang usapan lang kasi namin ay magsosorry ako. Wala sa usapan na umamin ako sakanya.

Kinabahan ako, nawalan ng salita.

Kumalma ka, Grace.

Huminga ako ng malalim at nagpatuloy, "Alexander, alam kong masyadong mabilis para sabihin ko ito, hindi ko pa nga alam ang buong pangalan mo eh," I laughed then continued, "Alexander, matagal ko nang nararamdaman itong pakiramdam na ito. Alexander, gusto kong malaman mo na gus-"

Naputol ang sasabihin ko ng bumukas ng pagkalakas-lakas ang pinto at iniluwa niyon ang guard na inililibot ang kanyang ulo na walang buhok. Batid kong nakita niya ang mga christmas lights na nakasabit sa dingding dito sa kuwarto na inokupa namin.

Nagulat kaming lahat. Napatingin siya sa player na tumutugtog pa din. Nakita ko ang takot sa mga mata niya habang naglalakad siya papalapit sa player kung saan nakatayo si Faith na nagpipigil ng tawa.

Natawa na din ako, tila nakalimutan ang dapat kong sabihin, at sinundan na din ng iba.

"Tabi tabi po! Makikiraan lang po! Papatayin ko lang po itong player!" sabi ng guard ng paulit-ulit. Lalo kaming natawa.

Nang mapatay na niya ay kaagad siyang tumakbo ng sobrang bilis.

"Oh, ano nga pala yung sasabihin mo?" sabi ni Alexander habang naka-ngisi. Tila bumalik lahat ng kaba ko dahil sa sinabi niya na nawala dahil sa pagpasok ng guard.

Ngumisi naman si Faith at binuksan ang player at pinatugtog ulit ang kantang, Can't help falling in love ni Elvis Presley.

Lalo akong kinabahan. Huminga ako ng malalim at binigkas ang mga salitang kanina ko pang gustong bigkasin.

"Uhm, ano.. gusto kita Alexander!" sabi ko at kumaripas ng takbo.

Narinig ko ang kantyawan at sigawan nila mula sa loob ng silid na pinaglabasan ko.

Nakakahiya man, ngunit alam kong hinding hindi ko ito pagsisisihan.

Kung tatanungin niyo ako kung ano ang pinakamasayang oangyauari sa buong buhay ko ay iyon ay noong nakita ko si Alexander.

To be continue...

Every Second With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon