Chapter Ten

28 6 0
                                    

IamBarbra_ this is dedicated to you.

Progress

4 years later...

"Hi guys! Welcome to my vlog!" ani ni Alexander sa kanyang video na mapapanuod mo sa YouTube.

I've been watching him from afar this past four years. I'm contented with that state though.

May ari na ako ng isang bakery na medyo kilala na sa Pilipinas. And I hope, maging international din ito. Lahat ng klase ng tinapay ay naririto. Twenty-four hours itong bukas.

It's been four years and yet, ganun pa din siya, masasabi kong sobrang tatag niya. Kasi wala na siyang mga magulang na su-suportahan siya sa lahat ng bagay. Pero heto siya ngayon, isang sikat na vlogger na nililibot ang buong mundo.

Balita ko ay gumaling na siya mula sa sakit niya three years ago. Of course, with the help of Tita Richee. And I'm proud of her beacuse of that. Kasi hindi naman sila magka-anak ni Alexander pero kung ituring niya itong ay para bang totoong anak niya ito.

Yung sakit ko? Well, sabi ng Doctor, nagkaroon daw ako ng malalang kaso ng hyperinsomnia. Sabi din ng Doctor na nakukuha daw ito dala ng stress, pagod, depression, etc. Magaling naman na ako, at sabi ng Doctor ay hindi na daw ako magkakaroon muli niyon hangga't hindi ako nas-stress.

"Nandito tayo ngayon sa... Cebu! Nakakailang beses na akong nakapunta dito pero, ewan ko ba. Feeling ko kasi may naiwan ako dito na kung ano kaya binabalik-balikan ko" aniya sa video.

Ako. Naiwan mo. Four years ago.

Pero, wait? Nasa Cebu siya? Nandito siya?! Fudge! I should watch more of his video! Baka sakaling nasa tabi-tabi lang siya! Nawala saglit sa isip ko si Alexander nang makatanggap ako ng notification mula sa Facebook.

Alex Bautista is live now.

Nanlaki ang mata ko sa nabasa. Kaagad ko itong binuksan at pinaneuod. Hindi na ako nakaabot mula sa umpisa, ang tanging naabutan ko na lamang ay ang pangglan ng lugar kung nasaan siya ngayon.

"-As of now, nandito tayo sa Basilica Minore del Santo Niño De Cebu. Alam niyo ba guys? Dito nagpakasal yung mga magulang ko" he smiled while looking at the Church in front of him, "Kaya gusto ko din magpakasal dito" he smiled again, but this time, he's looking to the camera.

Gwapo talaga ng mokong na ito!

Dahil alam ko na kung saan siya nakahinto ngayon, ay dali-dali na akong nagbihis ng panlakad at nagpaalam kay Mom, na kasalukuyang nanunuod sa salas.

Sumakay na ako sa kotse ko papunta sa nasabing simbahan sa vlog niya. Punong-puno ng galak ang puso ko  Kinakabahan ako, at the same time, kinikilig.

Tinawagan ko si Bethany, kaibigan ko since high school, na pupuntahan ko si Alexander sa Santo Niño Basilica.

"Gaga ka talaga. Mas pipiliin mo pa iyang paglalandi mo kaysa sa tindahan mo! Hirap na hirap na ako dito, baka naman!" Tinawanan ko siya. Tuwing one ng madaling araw hanggang tanghali, ay siya ang naka-assign na magbantay sa bakery ko. At tanghali naman hanggang one ng madaling araw ay ako.

Every Second With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon