Epilogue

39 4 3
                                    


Wakas

Isang araw ang nakalipas at gising na si Alexander. Binanabalak kong bisitahin siya sa hospital ngayong umaga dahil mamayang hapon ako magsisimulang magtrabaho.

Tanging blue long sleeves dress lang na pa-off shoulders ang suot ko na pinaresan ko ng brown sandals.

Binitbit ko na ang mga gamit na dadalhin ko papunta kay Alexander.

Maski ang latang telepono.

Napangiti ako ng mapait nang maalalang hinding hindi na muli mauulit ang gagawin kong ito dahil malaya ko na siyang ibibigay sa kanya.

Kinausap ko si Angela na kung puwede kaming magbonding ni Alexander, ng kahit isang araw lang. Nagulat ako ng pumayag ito.

Ito na ang huling araw na magsasama kami ni Alexander kaya susulitin ko na ito.

Nang makarating na ako sa destinasyon ko ay dumeretso agad ako sa kuwarto ni Alexander. Naabutan ko siyang nanunuod ng Peppa Pig.

Dejá .

"Ikaw ha! Peppa Pig ka pala!" sabi ko, ginagaya ang tonong ginawa niya kay James noong naabutan namin siyang nanunuod nito.

Nakita kong pinatay niya ito ng mabilisan. Napangiti ako.

"Ano? Ready ka na for today?"

"Oo naman! Palagi ata akong ready pagdating sa ganyan" sagot niya.

Tinawanan ko siya. Tumawag ako ng nurse para tulungan akong ilipat siya sa wheelchair. Pagkatapos ay tinulak ko na siya papalabas sa kuwarto niya.

Habang hinahatak ko siya sa pasilyo ng floor niya, ay bigla siyang nagsalita,

"You know what, this place looks so familar. Ganitong lugar yung palagi kong napapanaginipan eh" sabi niya.

I suddenly got goosebumps.

"Ano ka ba namn, tinatakot mo naman ako eh"

"Hindi ah! Sinasabi ko lang yung totoo" pagde-depensa niya naman.

"Whatever" tanging nasabi ko.

Napahinto na lamang ako nang nasa harapan na kami ng park, kung saan kami unang nagkita. Binabalak ko na ding tapusin dito ang lahat dahil dito kami nagumpisa. Wala lang, I just find it cute.

Umupo ako sa isang upuang bato na may lamesang bato din. Samantala, tinabi ko na lamang si Alexander sa tabi ko. Medyo nahirapan ako, ngunit nagawa ko naman.

"Kamusta na ang istoryang ginagawa mo?" tanong niya.

"Iyon, binabalak ko na siyang tapusin mamaya"

Katulad ng pagtatapos ng istorya natin.

"Huwag mong isama yung nangyari sa akin ngayon ah?" sabi niya. Habang nakatingin sa akin with his pleading eyes. I can't help but to stare at it. Sobrang ganda talaga ng mata niya.

Hindi nagtagal ay iniwas niya na din ito.

"Gusto mo ng makakain?" I asked him. Trying to ease the awkwardness.

"Yup" sabi niya.

"Gusto mo ipagpalaman kita ng peanut butter?" tanong ko pa ulit sa

"Ops! Bawal ko doon!"

"Ay! Oo nga pala! Ano pa ba yung mayroon ako dito?" sabi ko habang hinahalungkat yung bag na puro pagkain ang laman. Nakahanap ako ng vegetable salad.

Every Second With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon