I dedicate this to MyNameIsBarbra_16 she also help me when i have problems. Love you! ♥️
-
Questions
Hindi ko inaasahan na lalapitan pa ako ni Alexander pagkatapos ng nangyari doon sa sorpresa ko sakanya nung isang araw, kaya ganun na lamang ang gulat ko ng maramdaman ko ang pagsulpot niya sa gilid ko.
"Kelan pa?" tanong niya.
"Anong 'kelan pa'?" balik tanong ko sakanya. Alam ko ang ibig niyang sabihin. Tinatanong niya kung kelan pa ako nagsimulang magkakagusto sakanya. Ako din mismo ay hindi ko alam ang sagot doon.
"Kelan ka pa may gusto sa akin." saad niya. Nakaupo kami ngayon sa park kung saan ko siya unang nakita. At sa bench kung saan ko siya nilapitan.
"Ako din mismo ay hindi ko alam. Basta naramdaman ko na lang na nagkagusto ako sa iyo." pagpapaliwanang ko na may haling hiya ngunit kinaya ko pa din.
Natawa siya, "I didn't expect na mararanasan ko pa pala 'to"
Nangunot ang noo ko, "What do you mean by ''to?"
"I mean ito, this crazy little thing called love"
"Ah, ang love, bakit naman?" I asked him.
"Kasi matagal na akong may malubhang sakit. Kaya nga hindi na ako nageexpect na gagaling ako eh. Kulang na nga lang sabihin ko sa nanay ko dati na tumigil na siya, dahil hindi naman ako gagaling"
Malubha?
"Ano ka ba! Gagaling ka! Tiwala lang! By the way, sino na nga pala ang magaalaga sa iyo niyan?"
"Ah, si Tita Richee na. High school friend ng nanay ko. Eh ikaw, sino nagaalaga sa iyo?" sabi naman niya
"Si Mama" I simply said
"Ah, eh ang tatay mo?" tanong niya. Himala, palakwento siya ngayon?
I smiled bitterly, "Nambabe si Papa seven years ago, and now, he's living his own life now. Pero hindi niya pa din naman kami kinakalimutan. Binibisita niya kami every week, sila ng pamilya niya. So, I'm perfectly fine now" I lied.
Hindi ako okay na makita si Papa na may kasamang ibang pamilya. Madalas kong isipin na ang unfair ni God, kasi mabait naman ako noong bata, hanggang ngayon din naman, pero bakit hindi niya ako binigyan ng masayang pamilya?
Pero minsan, napapaisip din ako na ayos na yun. At least hindi ko na nakikitang umiiyak si Mama araw-araw nang dahil kay Papa.
Pero umiiyak naman siya ng dahil sa akin.
"Oh, sorry to hear that"
Ito ang isa sa mga reason kung bakit ayokong mag open sa mga tao, kinakaawaan nila ako. Nagiiba na ang tingin nila sa akin. Nagiiba yung trato nila sa akin.
Ayoko non.
"No don't be, ayoko sa lahat ng kinakaawaan ako. Feeling ko ang hina-hina ko kapag ganon. Kaya please wag sana magbgo ang tingin mo sa akin" sabi ko sakanya
Tumango siya at ngumiti.
Weeks have passed at naging malapit na magkaibigan na kami ni Alexander. Madali lang sa amin iyon dahil parehas naman kami ng ugali.

BINABASA MO ANG
Every Second With You
RomanceGrace Lopez and Alexander Bautista Story SYNOPSIS Two souls collide. Two hearts clash. Destiny knew that they are meant to be. But what should they do if one day, destiny won't agree with them? What will happen to their love? What will happen to the...